CHAPTER THE SEVENTH

Sako bag Vendor

In Mga himig nang aking pusong naaantig on Mayo 7, 2015 at 9:20 umaga

image

Day 127

Mahigit kalahating oras akong paikot ikot sa loob nang palengke. Hindi ko alam kung ano ang aking bibilhin. Originally, ang plano ko ay magluto sana nang Ginisang Toge. Kaya lang nuong una ay wala akong mahanap na nag titinda nang bean sprouts. Nang sa wakas ay makahanap naman na ako nang toge ay hindi naman ako makahanap nang magandang baboy na pang gisa.

Then, naisip kong mag buttered shrimp na lang! Kaya lang napaka kaunti naman kung 1/4 lang ang bibilhin ko. At napaka dami naman kung kalahating kilo! So ikot ulit ako. Ang ending, bumili na lang ako nang isang pirasong bangus! Then diretso ako sa bilihan nang mga gulay at rekado. Mag luluto na lang ako nang Sinigang sa Miso! Tapos ang problema!

Medyo nahirapan ako sa pag dedecide kung ano ang lulutuin for lunch today kasi madalas, since the day we stopped eating out and I started cooking our own food, nasosobrahan or nadadamihan ko ang aking luto! Dalawa lang naman kasi kami nang sister ko sa bahay. Kaya malimit, ang dami naming natitirang pagkain. Sayang!

Nuong nag luto ako nang Sinigang na Baka, halos maumay na kami sa dami. Then nung nag Nilagang Baboy naman ako, kulang na lang imbitahin na namin ang lahat nang kapitbahay para lang maubos yung ulam! To think, tag kakalahating kilo lang ang binibili ko! Kahapon naman, nag Adobong Manok ako, ayun hanggang ngayon meron pa! Kasya pa yata para sa pananghalian nang limang barako!

Oh well, maybe and hopefully next week ay matatantiya ko na nang mas maayos ang pagluluto ko!

Anyway, nilubos lubos ko na ang pagkakataong nasa palangke ako! Bilang maga parin nga ang mata ko at after kong mamalengke ay ayoko nang lumabas nang bahay dahil narin sa sobrang init nang panahon, ginawa ko na ang lahat na dapat kong gawin! Bumili na rin ako nang hinog na Mangga para sa dessert, nagpaload na ako, at kumain na rin ako nang Agahan!

Kailangan kong mag breakfast bago mag alas otso, kailangan ay naka kain na ako at malamnan na ang tiyan ko dahil at exactly 8:00 AM ay magte-take na ako nang gamot!

May nakita akong Karinderia na may bagong lutong Fried Rice! Mukhang masarap! Umuusok usok at mainit pa! Duon ako umupo. Umorder ako nang isang cup nung sinangag at isang pirasong jumbo hotdog! Ang sarap!

Habang abala sa pag kain ay narealize kong katabi ko pala si Lola! Isa siyang Sako bag Vendor. Madalas ko siyang nakikita sa loob nang Palengke. Diyan siya parati naka upo at naka puwesto! At that same exact spot. Hindi siya tulad nang ibang nagtitinda nang plastic or sako bag na nag iikot talaga sa buong palengke. Looking at her, I would understand why. I just wonder kung nakakabenta ba siya? The whole time kasi that I was eating, wala ni isa ang lumapit at bumili sa kanya. Sana nagkataon lang! Hindi bale, next time na mamamalengke ako, bibili ako sa kanya nang sako bag!

Page 325

  1. Dear Sir, I like your posts here because they capture not only the story of your life but also the story and condition of Pasig City which I can relate. Kudos for a job well done! Keep the passion in writing.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s