CHAPTER THE SEVENTH

Tigas ulo

In Mga paliwanag nang aking pusong nag i-eksplika on Mayo 12, 2015 at 1:59 hapon

image

Day 132

Very late at night na nang matapos yung lakad ko kahapon sa kabihasnan. Naging napaka haba nang araw! Ang daming nangyari. Ang daming hinarap. Ang daming kinausap. A daming pinuntahan. Ngunit miski pagod ay masaya na rin ako sapagkat naging maganda naman ang resulta nung aking misyon. Miski hindi ko nakuha yung eksaktong gusto ka ay okay na rin! Good bargain na rin! Baka ganun talaga ang dapat!

Anyway, since late na ako naka uwi, late na rin ako nakatulog. Pero dahil kailangan kong uminom nang gamot para sa aking mata, gustuhin ko man magbabad sa higaan ay hindi ko nagbasa. Maaga parin akong gumising. Habang papungaspungas pa at bago tuluyang bumangon ay nireview ko mabuti sa aking isip ang mga naganap the day prior. Bago pa ako gumawa nang nga susunod na hakbang ay inisip kong maigi kung makakabuti ba sa akin ang bagong oportunidad na nagbukas. Kung may mga challenges man akong ma e-encounter, kakayanin ko ba? Will I be able to cope?

Pagkatapos nang mahaba habang pag iisip, my conclusion is: Talagang magiging mahirap para sa akin ang ilan sa mga bagay na nakapaloob sa pagkakataong inihain. May mga bagay akong dapat matutunan. Kailangan kong malaman kung paano mapapadali ang mahirap. May mga adjustments akong dapat gawin. Sa loob nang ilang panahon ay kailangan kong maghigpit nang sinturon upang maitawid ang pang araw araw. May mga pagsubok akong dapat malampasan. Kailangan kong muling humarap sa mga di kadaliang hamon upang patunayan ang aking kakayanan.

Sa kabila nang mga hindi mapapagkailang balakid, ang sumunod kong tanong ko sa aking sarili ay: ipagpapatuloy ko pa ba ang aking nasimulan? O aatras na ba ako ngayon habang maaga pa? Habang hindi pa ako nag co-commit? Habang wala pang pananagutan? Habang wala pang matibay na kasunduan? Kalaunan, ang naging tugon ko ay: Oo! Makikipag sapalaran ako!

Ang naging batayan ko sa aking desisyon ay napaka simple. Hindi na ako takot sa failures! Sanay na ako sa mga challenges! Miski na alam kong medyo dehado ako ngayon, positive parin ako na kalaunan ay magiging sulit din ang lahat. Hindi ko man nakuha nang isang daang porsiyento ang aking nais, ay may ilang bagay namang nakalakip sa oportunidad na makakabuti para sa akin. Sa aking pagkatao. Sa aking katinuan. Sa aking kalusugan. Kailangan ko lang na muling mag adjust.

Marahil nga sadyang matigas din talaga ang aking ulo! Hindi ako mabilis matuto. Miski na paulit ulit ang pasakit, pagsubok, at dagok ay sabak parin ako nang sabak! Sugod nang sugod. Laban parin nang laban. Miski na maliwanag pa sa sikat nang araw ang realidad ay susuong parin ako sa walang katiyakan. Hindi alintana ang panganib at banta. Susugal. Makikipagsapalaran. Magbabakasakali. Aasa na sa pamamagitan lamang nang gilas at tiwala sa sarili ay mababago ko ang sitwasyon.

Page 330

  1. Hi, David! Ang sipag mo magsulat.🙂 Keep them coming!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s