CHAPTER THE SEVENTH

EDSA Shrine

In Mga sigaw nang aking pusong makabayan on Mayo 21, 2015 at 4:44 hapon

image

Day 141

Today’s agenda was to get an NBI Clearance. Kaya naman maaga pa lang ay on the way na ako sa Robinson’s Galleria bilang iyon naman ang pinaka malapit from where I am. And since nag try ako nuong bago nilang Online Registration, medyo kampante akong mas mapapadali ang pagkuha ko.

Quarter to 9 in the morning pa lang ay nasa Robinson’s Galleria na ako. Marami nang tao pagdating ko. Pero dahil hiwalay na ang pila sa mga nag Online Registration at duon sa mga Walk in, nakakuha din naman ako kaagad nang number. And since 10:00 o’clock pa daw ang bukas nang Mall at simula nang processing ng NBI Clearance, I decided na mag ikot ikot muna. At dahil nga wala naman ibang mapuntahan, inexplore ko na lang itong EDSA Shrine!

Actually, first time kong akyatin ang platform niyan. May mga stations of the cross pala sa itaas. And kung tatayo ka sa gitna, kitang kita mo na ang highway, mga taong naglalakad sa over pass, ang tren nang MRT, at mga sasakyan na naiipit sa matinding traffic!

The last time na talagang pinag masdan kong mabuti ang EDSA Shrine ay nuong panahon na kasagsagan nang mga panawagang mag resign si Joseph Estrada! Those were the days leading to the beleaguered President’s eventual ouster. Isa pa akong nagdarahop na Guro nuon sa isang Pribadong Paaralan sa Cubao. Naaalala kong after class, kasama ang ilan kong mga co teachers, nag lakad kami papuntang EDSA Shrine para makibaka at maki isa sa rally!

Ang sarap nang pakiramdam nuon na para bang miski papaano ay may ginagawa ka para sa Bayan mo! Ang daming tao sa kalsada! Hindi iniinda ang siksikan. Lahat nagkakaisa! Lahat handa sa ano man mangyari. The late Cory Aquino also showed up sa EDSA Shrine that day para magtalumpati! Siyempre, pinalakpakan siya!

Oh well, the rest is history so to speak! Napalayas nga sa Malakanyang si Joseph Estrada, pumalit sa kanya si Gloria Macapagal Arroyo. Nagkaroon din nang iba’t ibang issues at kaguluhan. Then after 9 years, nahalal naman si Benigno Simeon Aquino III, napa nga nga na lang ang buong bayan at buong mundo! Buti na lang at halos isang taon na lang sa posisyon ang kasalukuyan Namumuno sa kaawa awang Bansang Pilipinas!

Sana, ang susunod na Presidente nang Bayang ito ay yung tunay ang hangaring mamuno! Yung tunay na Lider! Yung mapag iisa ang lahat nang Pilipino! Yung maibabalik nang dangal sa ating lahing kayumanggi! Yung hindi maaatim na kumain nang galing sa dugas! Yung hindi makakatulog sa gabi dahil sa konsensiya! Yung hindi kakalinga nang nga pulpol sa pamahalaan! Yung Presidenteng marunong! Yung may paninindigan! Yung matapang! Yung may kamay na bakal!

Oo nga pala, nang magbukas ang mall nang 10:00, pinapasok na rin kami. Dumiretso ako agad sa Basement at naghintay na tawagin ang number ko. Number 47. After a few minutes sa holding area, tinawag na ang numbers 1 to 50. Diretso kami sa susunod na hakbang. Halos isang oras din akong nakapila para sa Step 2 nang pagkuha ko ng NBI Clearance. At nang ako na ang nasa counter, pinresent ko lang ang aking resibo at verification code. Then pina review sa akin ang info na inencode ko during the online registration, then picture taking at biometrics na. At dahil may hit ako, balik na lang sa June 3!

Page 339

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s