CHAPTER THE SEVENTH

Tagpuan

In Mga hinaing nang aking pusong nawiwindang on Mayo 22, 2015 at 11:31 umaga

image

Day 142

Today, I will make an attempt not to complain about anything! So, that means iiwas ako sa mga bagay na nagpapa stress sa akin or imbis na mag reklamo ay hahanap na lang ako nang alternatibo. Make sense!

So, dahil mainit ay nag decide akong umalis na lang nang bahay. Bukod sa alinsangan nang panahon, maalikabok din sa paligid dahil nililiha ang mga pader sa buong building para mapinturahan ulit. Medyo maingay din dahil nga sa may mga gumagawa sa labas.

From the apartment, naglakad ako papuntang Pasig City Hall. Tagaktak ang aking pawis. Hapong halo na ako pagdating ko sa Tagpuan na ito sa tapat nang ginagawang Pasig City Sports Center. Naupo ako saglit. Nagpunas nang pawis.  Nagpahangin. Nagpalamig. Napansin ko si Lolo. Palingon lingon. Tila may hinihintay. Kinunan ko siya nang larawan.

Makalipas ang ilang saglit ay tumayo na ako. Dumiretso ako na ako sa City Hall. Pagpasok ko ay lumiko muna ako papuntang lobby. Naupo ako ulit. Nanuod nang Hercules. May napansin akong guwapong Bagets na naka upo opposite from where I am seated. Mukhang hindi rin mapakali. Palingon lingon. Halatang meron ding hinihintay.

Makalipas ang ilang saglit ay may lumapit sa kanyang Paminta na naka uniform nang BFP. Tinignan ako nang masama nung Bayola. Umiwas ako nang tingin. Pabulong na nag usap yung dalawa. Narinig ko ang mga katagang: “Mamaya na lang”. Nagpalitan sila nang number. Umalis yung Pepper. Maya maya pa ay umalis na rin yung Bagets na naka suot nang t shirt nang SPES.

Tiyempong patapos na rin yung palabas sa TV. Tumayo na ako. Sinuyod ko na ang City Hall. Inalam ko kung meron silang Public Library. Hindi ako nag tanong. Gusto ko maghagilap ako from one floor to the other. Hindi ako nag elevator. Gumamit ako nang hagdan.

Wala akong nakitang Library. Pero meron akong nakitang Chapel!

Page 340

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s