CHAPTER THE SEVENTH

Back to the Ball Game

In Mga hinagpis nang aking pusong nalulumbay on Mayo 23, 2015 at 9:00 umaga

image

Day 143

Nitong mga nakaraang araw, para naka iwas sa stress at init nang panahon, ay nakahiligan ko ang pagdayo sa Bambang Court tuwing hapon para manuod nang liga nang Basketball. Pagpatak ng alas sais, gumagayak na ako para pumunta sa Court at maghahanap na ng puwesto para komportable ako sa panonood. Lagi naman akong nakakahanap nang magandang upuan.

Inter Baranggay yung liga. At dalawang set nang games ang lagi kong naaabutan. Yung Junior’s and Senior’s Bracket! Ang alam ko ay meron ding laro para sa mga Musmos at Bagets pero hindi ko na yun naaabutan. Masyadong maaga ang schedule nang laban nun at hindi ko kayang lumabas nang bahay sa mga ganung oras!

Natutuwa naman ako sa pagnuod nang Basketball. I actually never thought that I would someday really appreciate the game! Akala ko kasi dati, boring ang laro dahil panay lang ang dribble, pass, at shoot nang bola! Yun naman pala, punong puno din siya nang strategy at diskarte! Ang galing! Nakaka aliw!

Just like the game last night. Neck to be neck ang scores nang Blue and White Teams! 88/86 ang score in favor of the Blue Team. Down to the last 11 seconds na lang. Then bilang naka 2 points ang White Team! Dead lock na! At that point 3 seconds remaining na lang. Lahat aligaga! Kumukulog na at nag babadya na ang ulan! Tila magkakaroon pa ng Overtime! Then biglang nagkaroon nang Foul at na awardan nang dalawang Bonus Shot yung Blue Team. Parehong Pasok! Ending, panalo ang Blue Team!

Anyway, sa halos anim na araw kong pag tambay sa Basketball Court at pag nuod nang laro, medyo naintindihan ko na rin talaga ang mechanics nang game! Naging pamilyar na din ako sa mga salitang Foul, Travelling, Rebound, Follow up, Penalty, Time Out, at Back to the Ball Game! Naging malinaw din sa akin ang role nang bawat players. At na-appreciate ko rin ang presensiya nang mga Referees! Very nice! Aliw talaga!

Unfortunately, mukhang bilang na ang aking maliligayang araw! Kung walang schedule nang laro mamaya at bukas nang hapon, mukhang last game na yung napanuod ko kahapon! Dahil by Monday, Back to the Ball Game na ako! Magpapaka busy na ako ulit! Ang lungkot! I’m sure alam at naintindihan ni Kuya na Tindero nang Balut ang lumbay na aking nararamdaman!

Page 341

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s