CHAPTER THE SEVENTH

Cloud 9

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Mayo 24, 2015 at 4:04 hapon

image

Day 144

Para matakasan ang matinding init kahapon, nagpunta na lang kami nang Sister ko sa Megamall at nanuod nang sine. Gusto rin daw kasi niya talaga mapanuod ang Pitch Perfect 2.

Pag alis pa lang nang bahay, talagang parusa na sa init! Buti na rin lang at nakasakay naman kami agad ng FX sa bagong paradahan sa likod ng Jollibee sa may Palengke.

Pasado alas dose na nang makarating kami sa Mall. Bumili muna kami nang ticket sa Cinema 2. Pang 2:25 PM slot na yung nakuha namin.

Dahil mahaba pa naman ang oras, nag lunch muna kami sa Bar B King. I had Liempo and Ginisang Munggo. Masarap naman. Hindi na rin masama.

After lunch ay nag gala gala muna kami. Nag punta ng BDO sister ko. Ako naman ay nag lagi sa Powerbooks at tumingin tingin nang mga librong puwede idagdag sa aking collection. Balak kong simulan ang Nancy Drew series!

Before 2:25 ay pabalik na kami sa Building B nang Mega Mall. Bumili muna kami ng Popcorn and drinks! Then pasok na sa loob ng sinehan.

Ang dami nang tao sa loob pagpasok namin. Ang hirap makahanap nang upuan. Sana tulad din ang SM Cinema nang Gateway Mall Cinema na may reserve seating. Ending, sa unahan na kami halos naka upo.

The movie was great naman! Maganda yung plot nang story. Hindi pilit ang kuwento! Nakakatuwa! Favorite scene ko yung lumaban na sila sa Copenhagen at lumabas sa stage at nakikanta yung mga dating members nang Bellas!

Pasado alas kuwatro na nang matapos ang pelikula. Diretso uwi na kami. Pero imbes na mag FX ay gusto mag taxi nang Sister ko. Kaya hinanap namin ang Taxi Bay sa likod nang SM Mega Mall.

Mahaba rin ang pila sa Taxi Bay. Madalang naman ang pag dating nang mga sasakyan. Marahil ay naipit sa traffic. Habang nasa queue, imbis na mastress at mabagot sa paghihintay ay nagpaka abala na lang ako sa paghahanap nang puwedeng makunan ng larawan. At nakita ko nga ang magkapatid na ito. Habang nag aabang sa pagdating taxi ay isinakay muna sila nang Nanay nila sa push cart. Tuwang tuwa ang mga bata!

Page 342

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s