CHAPTER THE SEVENTH

Diwa

In Mga liham nang aking pusong lubos na nag mamahal on Mayo 27, 2015 at 10:01 umaga

image

Day 147

Umalis parin ako sa bahay nang maaga kahapon. Excited akong i-try yung bagong ruta papuntang Tiendesitas na itinuro sa akin ni Wendy. Lahat nang bagay na first time kong gagawin at makakadagdag sa aking mga nalalaman ay talagang nakakapag dulot sa akin ng kakaibang kailagayahan!

Nakakabaliw parin talaga ang tindi nang init kahapon. Lalo na yung oras nang alis ko. Kaya naman todo gamit talaga ako ng berdeng payong habang naglalakad. At para din maka iwas sa diretsong tama nang araw, talagang yung kahabaan pa nang papuntang Iglesia ni Kristo na may Waiting Shed ang tinahak ko! Effective!

Hindi naman ako nahirapan makasakay nang jeep na dadaan nang Bagong Ilog. Saglit nga rin lang akong naghintay. Hindi rin gahaman sa pag puno ng pasahero yung driver ng jeep na nasakyan ko. Siguro pati siya ay hirap na rin sa init at naintindihan niya ang kalbaryo nang mga pasahero!

Sa loob nang jeep, halos ayaw mag dikitan nang mga pasehero. Talagang may pagitan ang bawat isa. Lahat ayaw ma suffocate sa init! Napansin ko rin na kanya kanyang paraan ang bawat isa para lang miski papaano ay maginhawahan. May panay ang paypay, may umiihip sa sarili, may inom ng inom ng tubig, may nagtatali nang mahabang buhok, at may nag saklob nang basang labakara sa ulo!

Hindi nagtagal ay nasa Bagong Ilog na ako. Lumampas lang ako bahagya nang pagbaba pero okay lang. Hindi naman gaano kalayo ang distansiya mula sa kung saan ako dapat sumakay nang papuntang IPI! Tiyempo rin naman na may paalis nang jeep. Kaya sumakay na ako kaagad.

Sa likod nang Driver ako pumuwesto since occupied na yung sa tabi niya. That way tanaw ko parin ang kalsada at nakikita ko ang mga madadaanan. Gusto kong tandaan ang lahat. Deadma na rin kung panay ang hithit nang sigarilyo at panay ang ubo nung Driver. Basta makarating lang ng maayos sa aking destinasyon!

Page 345

  1. Anung ginagawa ni ate

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s