CHAPTER THE SEVENTH

ATM

In Mga patutchada nang aking pusong naiimbiyerna on Hunyo 5, 2015 at 11:21 umaga

image

Day 156

Bente dos años ka pa lang. Batang bata. Bagets pa. Puwede ka pang magbago. Kayang kaya mo pang maayos ang sarili mo. Marami ka pang oras. Sobrang haba pa ng panahon. Huwag kang mag alala, hindi naman ako galit. Ang totoo niyan ay naaawa ako sa iyo. Oo nga pala, gusto kong malaman mo na wala sa iyo ang problem. Hindi kita sinisisi. Sa katunayan, sarili ko ang sinisisi ko kasi pinaniwala kitang naniwala ako sa iyo. Pasensiya ka na. Naging maingat din lang talaga ako. Pinrotektahan ko lang ang aking kapakanan. Ayoko na kasing balikan pa ulit ang isang kuwentong pilit ko nang kinakalimutan.

Sa pagtatapos ng lahat, gusto ko sanang malaman mo na tao din naman ako na may isip at damdamin. Dahil sa dami ng  mga napagdaanan ko sa buhay, natuto na akong mag obserba, makiramdam, at humatol ng patas. Nag uumpisa ka pa nga lang dumiskarte, alam ko na ang pututunguhan. Nakita ko na kasi sa iba yang istilo mo. Hindi na iyan bago. Nagamit na ng iba. Lagi mo rin sanang tatandaan na huwag simulan sa kuwentong kahabaghabag ang isang pagkakaibigan. Huwag mo ring samantalahin ang kahinaan nang isang tao. Matuto kang maging sensitibo. Matuto kang maging tapat. Matuto kang rumespeto. Huwag kang tuso. Oo nga pala, balita ko nakuha mo na ang ATM mo. Ano ba talaga ang totoo?

Page 354

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s