Day 158
Ang totoo niyan, kung papipiliin lang talaga ako nang tadhana, mas nanaisin ko pang isilang na lang na kulang sa pag iisip kaysa naman sa maging matino nga ngunit asal hayup din pala at kapos naman sa pag mamalasakit at pag intindi sa kapwa. Ano naman din kasi ang silbi nang katinuan kung ang buong pagkatao mo naman ay punong puno nang poot at kasinungalingan? Ano ang silbi nang malinaw na pag iisip kung ang laman naman nito ay nag uumapaw sa kasakiman at katusuhan! Kaya kung tutuusin, mas mainam pang mamuhay na lang na ang damit ay sira sira at ang isip ay punit punit! Bandang huli naman din kasi, kapag sabay sabay tayong hinatulan ng Maykapal, malamang siyang pang minamaliit nang karamihan ang ituring na higit na banal!
Page 356