CHAPTER THE SEVENTH

Photo bomber

In Mga pahayag nang aking pusong nais makalimot on Hunyo 14, 2015 at 1:48 hapon

image

Day 165

Dahil weekend naman, magpapakasasa talaga ako ngayon araw sa pagtulog! Kanina pa ako gising pero ayoko muna bumangon. Higa muna ako. Kapag dinalaw ulit ng antok, eh di sleep nanaman ulit! Tamang tama, medyo malamig. Makulimlim kasi sa labas. Mukhang uulan any moment!

Mamaya na rin ako magsasaing. Hindi pa rin naman kasi ako nagugutom. Atsaka may ulam na naman. Nagluto kasi ako nang adobong manok kagabi. Iinitin ko na lang yun! Mas masarap nga ang adobo kapag pinainit na ilang beses at nagmamantika na.

Wala talaga akong ibang plano today maliban sa magpahinga nang bongga! Bukod kasi sa gusto kong marejuvenate nang todo, eh wala rin naman akong salapi na pang waldas! Ang natitira kong salapi ay sapat na lang talaga para pang gastos ko until Wednesday! Di bale, may budget na ulit ako by Thursday morning.

Baka lumabas ako nang bahay mamayang hapon. Kapag talagang malilim na. Yung hindi na talaga mainit sa labas. Mag lalakad lakad ako. Magmamasid sa paligid. Pagmamasdan ko ang paglipas ng oras. Pipilitin kong isaisantabi muna ang mga pag aalala, duda, at awa na nananahan sa aking isip. Tatambay ako sa may City Hall para panuorin ang mga Skater Boys! Or baka magtungo ako sa may bandang Simbahan. Puwede rin naman na magpahangin na lang ako ulit sa Central Park. Basta! Bahala na! Nagtitiwala ako na dadalhin ako ng aking mga paa sa lugar kung saan may hindi inaasahan.

Page 363

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s