CHAPTER THE SEVENTH

Alex

In Mga pagpuri nang aking pusong humahanga on Hunyo 21, 2015 at 4:25 hapon

image

Day 172

Bilang ako naman talaga ang self proclaimed Goto King ng Pilipinas at handa kong hahamakin ang lahat para lang sa aking Goto Adventure, isa sa mga una kong pilit na inalam nuong bagong lipat kami dito sa Pasig ay kung saan may masarap na Lugawan at Gotohan! Ang sabi nung Tricycle Driver na napagtanungan namin dati, sa Alex daw! Duon daw may masarap na Goto!

Unfortunately, since March ay hindi naman talaga ako nag effort na hanapin yung Gotohan na iyon! Nagkasya at nagtiyaga na lang ako sa mga Lugawan at Gotohan sa kanto kanto! At kung pag babasehan ko ang lasa ng mga Goto na natikman ko na in the past sa mga Goto na natikman ko sa far dito sa Pasig, medyo dehado ang The Green City!

Number 1 parin talaga para sa akin ang Kabayan’s sa Kamuning kung Goto ang pag uusapan! Napaka sarap talaga ng kanilang Goto with Mata ng Baka! Sulit sa presyo at sa lasa! At siyempre, hindi kumpleto ang Goto kung walang Tokwa’t Baboy! At sa larangang ito, Numero Uno naman para sa akin ang Gotwa sa Aurora Blvd Cubao! Panalo talaga!

Hindi rin naman siyempre magpapahuli ang aking sentimental favorite na Shammy’s Gotohan sa Project 3! Kung paramihan din lang naman talaga ng serving ang pag bibidahan, sila na talaga ang nangunguna! Sa sobrang dami ng serving nila, halos malunod ka na sa Goto! Specialty naman nila ang Goto with Puso ng Baboy!

Kung Goto with Dugo and Laman naman ang topic, Star naman diyan ang Macky’s ng Marikina! Sikat na sikat ang Gotohan na ito! Dinarayo! Pinupuntahan talaga ng mga tao! Bukod sa Goto, meron din silang iba’t ibang mirienda like: Palabok, Chicken Sandwich, Mais con yelo, at Halo Halo!

May iba pa akong mga dinayong Gotohan sa Cainta at Antipolo, pero siguro dahil hindi naman talaga ako nag enjoy duon, hindi sila masyado tumatak sa isip ko! Although may isang Gotohan sa Antipolo na mesdyo masarap naman! Hindi ko na lang maalala yung pangalan. Pero specialty naman nila ang Goto with Isaw!

Anyway, minsan talaga nangyayari ang isang bagay sa panahong hindi natin gaano inaasahan! Tulad na lamang ng pagkakadiskubre ko kung nasaan yung Gotohan na nuong Marso ko pa inaasam na mapuntahan! Nakita ko siya nuong Miyerkules ng umaga habang naglalakad ako sa kahabaan ng San Nicholas at naghahanap ng ATM. Malapit lang pala siya sa Simbahan!

Agad ko naman siyang ikinuwento sa Sister ko at pinuntahan nga din namin agad yung lugar nuong Huwebes! At dahil gusto ko talaga siyang makilatis mabuti, bumalik ulit ako duon kanina! Sinulit ko talaga ang pag punta ko! Wala akong sinayang na mga sandali! Ninamnam ko talaga ang pagkakataon! Ang dami kong gustong sabihin tungkol sa aking mga nalaman ngunit ipagpapaliban ko muna. Dahil kasi sa larawang ito na nakunan ko sa nasabing lugar, naalala ko na ngayon pala ay Araw ng mga Ama!

Page 370

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s