CHAPTER THE SEVENTH

Barker

In Mga pag amin nang aking pusong nag sisisi on Hunyo 23, 2015 at 9:44 umaga

image

Day 174

Ito na ang totoo. Last week, naka tanggap ako ng imbitasyon na mag demo teaching sa isa sa mga Paaralan na pinag applyan ko nuong Abril ngunit, dahil ako ay nasa kalagitnaan nuon ng pag ugoy ay hindi ko iyon pinuntahan. Hindi ko naman pinag sisihan ang desisyon kong hindi pagdalo sa paanyaya. Kahapon, tumawag muli ang parehong Paaralan para sa isa nanamang pagkakataon. Pinapupunta ako sa isa sa mga sangay nila sa Taguig. Dahil hindi ko alam ang lugar, kinuha ko pa mula sa aking nakausap ang direksyon. Ibinigay naman niya sa akin. Miski may pag aalinlangan, at kapos sa preparasyon, nag desisyon akong subiking mag demo teaching. Nag paalam na ako sa opisina na mag ha-half day. Pinayagan naman ako. Maaga akong umalis ng bahay dahil alas dos ang aking appointment. Handa na ako. Ngunit paglabas ko ng bahay ay nag dalawang isip nanaman ako! Ang dami palang mga bagay ang dapat ko munang i-consider bago ko pasukin ang isang bagay na puwede mag bago ng aking buhay! Tinanong ko ang aking sarili kung kaya ko na ba talagang i-give up ang lahat ng mga kalayaan na ine-enjoy ko sa kasalukuyan. Naging napaka simple ng kasagutan! Hindi! Hindi pa! Hindi pa pala! Bandang huli, pinalampas ko muli ang pangalawang pagkakataon at miski lutang ang isip ay sumakay na ako ng jeep papuntang opisina. I guess, matagal tagal na panahon ko pang makikita tuwing tanghali si Manong Barker!

Page 372

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s