CHAPTER THE SEVENTH

Nanay Alpina

In Mga pagpuri nang aking pusong humahanga on Hunyo 27, 2015 at 1:40 umaga

image

Day 178

After what happend last Thursday,  nag desisyon ako na magpa check up na! I can’t afford na ipagpaliban pa ito! Besides, may Healthcard naman ako! Bakit ko pa idedelay? At medyo nag worry din kasi ako! Very unusual kasi na nag sabay na umatake yung Vertigo at Hypertension ko! Hindi masyadong maganda yung pakiramdam. Ang sama! And honestly, for the first time in my life, medyo natakot ako!

After ko mag text sa kinakaukulan sa opisina, at bago umalis ng bahay, tinignan ko muna talaga mabuti kung saang Philcare affiliated clinic ako puwede pumunta! Ayoko masayang ang oras ko! Kailangan may ma accomplish ako! I decided na sa Philcare Clinic sa MegaMall ako magpapa kunsulta! Umalis ako ng bahay at past 12:00 Noon!

Wala pang isang oras ay nasa MegaMall na ako. Dumiretso na ako agad sa Building A, Level 5. Hinanap ko ang Philcare Clinic. Medyo, effort ng bahagya ang paghahanap sa kanya! Pero nakita ko naman siya after awhile. I was asked kung ano ang patitignan ko. I told the Receptionist my concern. Unfortunately, sabi niya ay wala daw silang available na IM. Pero puwede naman daw ako duon sa katabing clinic! Kaya lumipat ako kaagad sa MegaClinic!

Naging maayos naman ang sadya ko sa MegaClinic! Natatagalan lang talaga ako dahil sa paghihintay ng approval mula sa Philcare! Pero okay naman yung consultation. I first met with my Cardiologist, Dr. Neil Gomez who told me na puwede daw talagang i-trigger ng Hypertension and Vertigo. The advised me to rest for 3 days bilang 160/100 parin ang BP ko. Pinalitan din niya yung mga gamot ko na pang maintenance. Then he also advised me to undergo several lab test. Pumayag naman ako kaagad!

Then I had a consultation with my ENT, Dr. Francis Co. Pinaliwanag naman niya sa akin kung ano talaga ang sakit na Vertigo. May dalawang uri pala ng Vertigo, and it seems like I have both! And once na meron ka na pala nun, forever na. Ang question na lang is kung kailan siya aatake. Tinuro din niya sa akin ang tamang pag gamot sa hilo!

After my consultation, nag pa approve ulit ako para naman sa mga lab test ko! I need to undergo CBC, Complete Urinalysis, Creatinine Chemistry, FBS, K Potassium, Lipid Profile, SGPT, and Uric Acid Serum! Game na akong ipagawa ang mga yan para once and for all ay magkaalaman na! I am ready! Hindi problema sa akin na mag fasting for 10 hours! Magawa lang ang nga tests na yan!

Pasado alas kuwatro ng hapon na ako natapos sa MegaClinic! Nakasakay naman ako kaagad ng FX sa paradahan na nasa likod ng MegaMall. Habang nasa biyahe, walang ibang laman ang isip ko kundi ang kumain! Kailangan ko magpaka busog dahil before midnight hindi na ako puwede kumain! Kailangan magtiis!

Medyo bumagal yung takbo ng FX na aking sinasakyan bandang Kapasigan. Traffic! Nang mapadaan kami sa Dimasalang Bakery, napansin ko ang isang Ale na naka puwesto sa gilid ng naturang Tinapayan! May basket ng Balut at Penoy sa harapan niya! At may binabalot siyang pagkain na matagal ko nang hinahanap! Bibingkang Abnoy!

Agad akong bumaba mula sa FX at lumapit sa Ale! Bumili ako ng tinda niya! Dalawang balot agad! Duon ko na kinain sa mismong puwesto! Ang sarap! Nakaka abnoy talaga ang amoy at lasa! Lalo pang sumarap yung kinakain ko dahil agad din kaming nagkapalagayan ng loob nuong Ale! Alpina daw ang pangalan niya! Nanay Alpina! At dahil makuwento siya, at gusto ko pa marinig ang mga istorya ng kanyang buhay, umorder pa ako ulit ng isa pang balot! Sulit!

Page 376

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s