CHAPTER THE SEVENTH

Random Musings

In Mga samut saring chika nang aking pusong naglilista on Hunyo 28, 2015 at 5:12 hapon

image

Day 179

Ano? Ano kaya ang pumasok sa isipan ni Kuya at of all places naman ay sa ilalim pa ng overpass sa may MegaMall niya naisipang may muni muni? Ano naman kaya ang iniisip niya? May bumabagabag ba sa kanya? May matindi ba siyang pinagdadaanan? Iniwanan ba siya ng kanyang kasintahan? Nawalan ba siya ng hanapbuhay? Lubog ba siya sa pagkakautang? Kulang ba ang kanyang pamasahe pauwi? Pinalayas ba siya sa apartment na kanyang inuupahan? Kung ano man ang gumugulo sa kanyang isipan, sana ay mahanapan niya ito agad ng maganda at tamang solusyon!

Saan? Saan nanaman kaya kami mapapadpad ng kapatid ko after namin umalis dito sa Bambang by the end of July? Ang unang napagkasunduan ay titignan namin yung apartment sa may Sagad! Three bedrooms na daw kasi iyon na nagkakahalaga lang ng 9k a month! Not bad for an apartment with a haunted closet! Then, ang sumunod na balak ay kukuha kami ng condo unit sa may Santolan! Miski na out of way nanaman sa akin ay game naman ako sa plano! Finally, kino-consider naman ngayon ang option na bumalik na lang sa Project 4 bilang aalis na rin naman daw yung mga nangungupahan duon! Mukhang very eager and excited yung sister ko na bumalik sa Quezon City, pero I strongly disagree with the idea!

Kailan? Kailan ko kaya mababalikan at maipapasuri ang resulta ng aking Laboratory Exams? Ang sabi nung Nurse na nag attend sa akin kahapon sa MegaClinic, puwede ko naman daw makita yung results online! Then i-print ko na lang daw! Ibinigay naman sa akin yung website pati narin yung username and password na gagamitin ko. Pero tinatamad pa akong asikasuhin! Kasi naman, kung makikita ko nga ang resulta pero hindi ko naman agad mapapainterpret sa Doctor, eh ano pa silbi nun? Kailangan makahanap talaga ako ng time para dito! Sayang naman yung tatlong vials ng dugo na kinuha sa akin kung pababayaan ko lang!

Bakit? Bakit parang mas madaling maging malungkot kaysa maging masaya? Bakit kailangan matutong umibig kung bandang huli ay masasaktan din naman pala? Bakit may mga taong sinungaling, mapanggamit, manloloko, tuso, at mapagsamantala? Bakit kaunti lang ang populasyon nang nga taong mabuti ang hangarin sa kapwa nila? Bakit namamayagpag ang kasamaan? Bakit mabagal ang hustisya? Bakit may naaapi? Bakit may nang aapi? Bakit may pinapaboran? Bakit may iniiwan? Bakit hindi na lang maging patas ang lahat?

Sino? Sino kaya ang puwede kong maisama sa Perya? Gusto ko kasing sumakay nang Ferris Wheel!  Gusto ko rin maranasang mag Octupus Ride, mag Carousel, mag Bump Car, at mag Horror Train! Gusto ko mag laro ng Color Game! Pati na rin yung laro na mag so-shoot ng rings sa mga bowling pins tapos kapag nanalo ka ay may premyong stuffed toys! Ang saya nun! Gusto ko kumain ng Cotton Candy, at Popcorn! Gusto ko rin marinig ang boses nang announcer sa Bingo! Gusto ko makakita ng mga batang masasaya!

Paano? Paano ko kaya mapapahaba ng mas mabilis ang hair ko? Napag desisyunan ko kasi na pahabain ulit ang aking buhok! Dati ko na ito nagawa! Back in 2008-2009! I just couldn’t remember how long it took me to grown it up to shoulder length. Pero mukhang saglit din lang. Well, I had a fun time with long hair back then! Talagang ipina bleach ko pa siya para maging platinum blonde! Effort sa pag memaintain! Magastos pero nag enjoy naman talaga ako! Kung dati ay nagpahaba ako ng buhok dahil gusto ko lang, this time however, may reason ako kung bakit ko ulit ito gagawin! I will keep my hair long until such time that I learn how to forgive! Forgive who? Saka ko na lang sasabihin!

Page 377

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s