CHAPTER THE SEVENTH

The Little Drummer Boy

In Mga kabanata nang aking pusong natuto on Hulyo 3, 2015 at 10:22 umaga

image

Day 184

Saglit na naantala ng kawalan ng masasakyan at saradong kalsada ang aking pagbalik sa MegaClinic kahapon! May napaka habang prosisyon kasi sa may City Hall bilang bahagi ng selebrasyon at pagdiriwang sa  ika 442 na Araw nang Lungsod ng Pasig! Kung hindi isasama yung paulit ulit na pagmamalaki nung Emcee sa mga nagawa diumano ng kasalukuyan Mayor para sa bayang ito, na para sa akin ay halatang pamumulitika at maagang pangangampanya lamang, nag enjoy naman ako sa aking mga nasaksihan. Ang daming mga tao! Lahat ng Baranggay ng Pasig ay represented! Lahat ng uri ng tao ay kasama! Mula sa mga kabataan hanggang sa mga Senior Citizens, Girl Scouts, Boy Scouts, mga Estudyante, mga Kapatiran, mga Bikers, mga Samahan, mga taga Simbahan, at mga taga iba’t ibang Establishments ng Pasig! May mga naka suot ng makukulay na costumes! May mga terno ternong damit! May mga Musiko! May mga floats! Nakakatuwa! Napaka saya! Nalimutan ko pansamantala ang mga bagay na bumabagabag sa akin! Marami rin akong mga nakuhang larawan. Ito ang aking paborito! The Little Drummer Boy! Dapat maging tulad ako ng batang ito. Tuloy lang ang pag tugtog sa kabila ng bigat ng dalahin!

Page 382

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s