CHAPTER THE SEVENTH

Nang dahil sa ulan

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Hulyo 6, 2015 at 1:02 umaga

image

Day 187

At buong araw nga na naghabulan ang ambon at ang ulan. Paglabas tuloy ng bahay kahapon ay nauwi sa pag aalinlangan! Takot na mabasa, madumihan, at magkasakit. Tumingala sa langit at sa isang panaghoy ay nag tanong kung bakit. Ngunit ganun pa man, dahil sarili ko lang ang aking inasahan, wala akong ibang magawa, at ayokong umasa na lang sa awa, kailangan kong kumilos, mag asikaso, at gumalaw! Kung hindi, ang kapalit ay pagka aburido na sa gutom ay halaw! At ako nga ay lumarga, dalawang beses kahapon ng umaga! Ang destinasyon ko nung una ay sa Pamilihang Bayan. Sadya ko ay mamili ng sangkap sa Manok na sinabawan! Ang pangalawa naman ay sa pinaka malapit na Banko. Wala na kasi ako ni isang duling na singko! Kailangan ko na rin nang sabon na pang ligo at pang laba. Ang aking shampoo at toothpaste din ay said na! Nang maka kuha na ako nang sapat na kuwalta, agad ko nang binaybay ang madulas na bangketa! At sa aking paglalakad pabalik sa bahay ay may isang bagay akong napagtanto! Hindi ko pa pala nakukunan ng larawan ang Museum sa may kanto! Binilisan ko ang aking lakad at agad na pumuwesto, hindi ko na inisip na sa gitna ng daanan ako ay perwisyo! Ngunit dahil sa ulan at sa basang payong ni Manang, ang aking tangkang pagkuha ng litrato ay nasayang! Hindi na bale, may ilang araw pa naman! Babalik ako marahil bukas o kung kailan. Hindi pa ako sigurado, baka nga saka na. Ang mahalaga ngayon ay nang dahil sa ulan ako ay naging isang makata!

Page 385

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s