CHAPTER THE SEVENTH

Ang magandang dahilan

In Mga himig nang aking pusong naaantig on Hulyo 8, 2015 at 12:30 umaga

image

Day 189

Naramdaman kong may magandang dahilan kung bakit imbis na dumiretso ako sa Palengke para mamili ng mailuluto ay dinala ako nang aking mga paa sa Alex Lugawan. Ang akala ko nga ay alam ko na kung ano ang dahilan na iyon nang sa daan pa lamang papunta sa kainan ay may nakunan na akong magaganda at interesanteng mga larawan! Sa katunayan ay may napili na akong Photo of the Day! May pamagat na ako. Naiplano ko na nga sa aking isipan kung paano tatakbo ang aking entry. Habang kumakain nga ay may naisulat na akong ilang linya! I was actually contented! I was happy! Until, something happened while I was finishing off my food. May isang bata na matagal nang nakatayo at nakasilip sa may gate nang kainan ang napansin kong kinawayan ng isang babaeng staff, pumasok yung bata at pumuwesto sa aking likuran. Maya maya pa ay inabutan na nung babaeng staff ng pagkain yung bata. Hindi na nag atubili pa yung bata. Agad naman siyang kumain. Halata sa kanyang mga kilos na talagang gutom na gutom siya. Saglit akong natulala. Nakaramdam ako ng awa para sa bata at napa hanga naman sa babaeng staff na nag abot nung pagkain. Iyon pala ang magandang dahilan. Dapat kong makita ang tagpong iyon! May mga tao pa pala sa mundong ito ang handang tumulong sa mga tunay na nangangailangan. Pagtulong na walang inaasahang kapalit! Dahil sa aking nasaksihan, tila nanunumbalik na muli ang nawala kong tiwala sa aking kapwa!

Page 387

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s