CHAPTER THE SEVENTH

Payong For Sale

In Mga pagpuri nang aking pusong humahanga on Hulyo 9, 2015 at 3:37 umaga

image

Day 190

Sa kabila ng pagsulpot nang mga hindi kaaya-ayang mga bagay ay nanatili akong kalmado buong araw kahapon! Tinanggihan ko ang pag aalala! At ang resulta? Blood Pressure: 130/90! Not bad diba? Anyway, hindi ko pinayagang sirain ng mga biglaang pagbabago sa mga napagkasunduan at nang tila ayaw magpaawat na pag ulan ang aking napakagandang mood! “Go with the flow” and “Keep calm and carry on” ang aking naging mantra! Itinuloy ko ang aking mga plano at ipinagpatuloy ko ang lahat ng aking mga nasimulan. Naging abala din ako sa pag sagot ng mga tawag sa aking telepono – na ayaw mag charge ng maayos, at sa pagtugon sa isang katutak na  mga text messages na aking natatanggap! Kalaunan, dinala ako ng tadhana sa lugar na ito kung saan aking nadatnan ang hilera ng mga nagnenegosyo nang Payong for Sale! Why not? Imbes nga naman na maging hadlang ang pag ulan sa kanilang paghahanap buhay ay pinag kakitaan na lang nila ang masamang panahon! Tamang tama nga naman ngayon ang naisip nilang itinda! Payong! Lahat ng kulay ay available. May iba’t ibang design. May checkered, may stripes, may polka dots, may bulaklakin, at may plain! At higit sa lahat, kapag bumili ka sa kanila ay libre na daw ang: Demo! Tuturuan ka nila kung paano bubuksan at isasara ang payong na iyong napili! Awesome!

Page 388

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s