CHAPTER THE SEVENTH

Rosario Bridge

In Mga kuwento nang aking pusong nag sisenti on Hulyo 14, 2015 at 6:12 umaga

image

Day 195

Buong araw kong kinausap ang Diyos. Ipinaubaya ko sa kanya ang lahat. Humingi ako nang mga senyales. Tinanggal ko sa aking isip at puso ang pag aalala. Nakatulog ako nang mahimbing. Nagising ako nang matiwasay. Kalmado. Positibo. Handa.

Bago lumabas ng bahay ay muli kong inialay ang aking araw sa maykapal. Ibinigay ko ang aking buong tiwala sa Kanya. Hindi na ako nangamba. Wala nang dahilan para matakot pa.

At dumating nga ang unang palatandaan na aking hiningi. Pinara ko ang unang sasakyan na aking nakita. Nakarating ako sa tulay na ito. Sa dulo ay magtatagpo ang dalawang daan. Mag kukrus ang dalawang landas. Parehong pamilyar. Parehong may ala ala. Ang una ay patungo sa nakalipas. Ang pangalawa ay sa kasalukuyan.

Pinili kong tahakin ang daan na magbabalik sa akin sa piling nang siyang nagdulot sa puso ko ng matinding pighati. Ginawa ko ito sapagkat iyon ang akala kong tama. Akala ko ay maaari. Akala ko ay may puwang. Nagkamali ako. Wala nang pintuan ang nagbukas. Tapos na.

Hindi ako pinanghinaan ng loob. Tumalikod ako at naglakad nang nakataas ang noo. Walang pait sa aking puso. Alam kong tama lang ang naging malamig na pagtanggap sa akin. Ngunit buo ang tiwala ko sa Panginoon. May nakalaan sa akin.

Sa kabila ng init nang araw ay tinahak ko naman ang daan pabalik sa kasalukuyan. Malinaw ang aking isip. Kampante ang aking puso. At, naganap nga! Inilatag sa aking harapan ang siyang nakatadhana sa akin. Narito pala talaga! Kung saan saan ko pa hinanap!

Ngayong araw na ito, natutunan kong huwag nang muling buhatin pa ang una nang ipinalapag sa akin ng Diyos. Mas maalam Siya! Ako ay nagtitiwala.

Page 393

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s