CHAPTER THE SEVENTH

RC Cola

In Mga pag amin nang aking pusong nag sisisi on Hulyo 15, 2015 at 1:22 umaga

image

Day 196

Para sa isang napaka halagang dahilan, balik Doctor at balik check up ulit ako kaninang after lunch! Medyo natagal siya this time! Nakaka inip! Nakaka bagot! Nakaka sora! Ayoko yung bahagi na kailangang maghintay nang ilang oras. Bandang huli naman kasi, pare pareho lang din naman ang sinasabi ng mga Doctor! Saulado ko na ang bawat linya nila.

Paulit ulit din ang proseso. Tingin dito, tingin duon. Lahat binubusisi! Submit ng specimen. Sunod sunod na laboratory! Maghuhubad. Hihinga ng malalim. Titimbangin. Susukatin. Pipisil pisilin. Pagbabasahin ng mga halo halong letra. Dahil sa layo hindi rin naman mabasa! Ang pinaka ayoko ay yung kukunan nang dugo. Parang kagat lang daw ng langgam? Parang hindi naman! At dahil bugbog na ang kaliwang braso ko sa kakasipsip ng dugo, sa kanan naman kumuha. Saklap!

Siguro, kung naging mas maingat lang ako sa katawan ko dati, hindi ako gaano kinakabahan sa tuwing magpapatingin ako sa Doctor! Siguro kung iniwasan ko lang ang lahat nang mga dapat kong iwasan ay hindi ako balisa sa tuwing lalabas ang resulta ng aking check up! Sana pala nakinig ako ng mabuti sa mga nagpapa alala sa akin dati! Sana pala hindi naging matigas ang aking ulo nuon!

Tama nga! Nasa huli talaga ang pag sisisi! Gusto ko sanang mangatuwiran. Gusto ko sanang ipaglaban at ipagtanggol ang lahat ng mga pang aabuso sa sarili na nagawa ko dati. Ngunit paano ko itatawid na tama ang mali kung mali nga? Sana pala ni ang pagsubok ng sigarilyong Hope ay hindi ko na ginawa. Sana pala ni ang pag inom ng beer na Red Horse miski na sabihin pang paminsan minsan lang naman ay hindi ko na kinasanayan pa! Ilang toneladang Chicharon Bulaklak ni Annaliza ba kasi ang nangata ko? Ilang truck ba kasi ng Soft drinks na RC Cola ang natunga ko? Kung maibabalik ko lang talaga ang panahon!

Page 394

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s