CHAPTER THE SEVENTH

Metrobank

In Mga kabanata nang aking pusong natuto on Hulyo 16, 2015 at 2:39 umaga

image

Day 197

Kasabay nang pag babasta ko ng aking mga gamit at damit sa nalalapit na pagbabalik namin sa Ciudad ng Quezon ay may inaasikaso rin akong isang napakahalaga bagay! Isang bagay na pangkabuhayan! Isang bagay na pagmumulan nang pondo! Isang bagay na siyang magiging daan upang ituring akong tao nang silang madadatnan ko sa lugar na una nang nilisan.

Kaya naman, mahalaga sa akin ang bawat oras! Kada ilang minuto, kailangan ay may natatapos akong mga gawain! Kada isang araw, kailangan ay palapit na ako nang palapit sa kung saan at ano ang aking nais!

Planado na ang buong araw ko kahapon. Alam ko kung ano ang nais kong matapos. Alam ko kung paano ko iyon magagawa! Kada hakbang kuwentado. Kada pera bilang! Wala dapat masayang!

Humarap muna ako sa computer. Ilang oras din akong nagpaka abala. May inasikaso akong napaka halaga! May kailangan muna akong ayusin bago ko magawa ang susunod na hakbang.

Nang matapos ko na ang aking sadya sa computer ay tumuloy na ako sa Metrobank! Nilakad ko lang mula sa bahay papunta sa pinaka malapit na sangay ng nasabing banko sa may Mabini!

Ilang minuto rin ang tinagal ko sa Metrobank! May transaksyon akong ginawa! May inilibas akong malaking pera! Dapat ko iyon gawin sapagkat iyon ang alam kong bahagi nang proseso!

Nang matapos na ang sadya ko sa banko ay humarap muli ako sa computer upang tignan at kumpirmahin kung naging maayos ang aking ginawang transaksyon! Laking tuwa ko nang makita kong wala naman naging sablay! Okay ang lahat.

Alas kuwatro na ng hapon nang naging kampante ako na okay na ang lahat. Masaya ako at may natapos akong isang gawain! Pinag planuhan ko naman kaagad ang mga dapat ko pang gawin sa mga susunod pang mga araw!

At dahil tapos na ang aking mga mahahalagang gawain ay nagkaroon na ako ng pagkakataon na magbukas nang cellphone! Duon ko nabasa ang paanyaya ng isang mahalagang tao. At dahil may oras pa naman, nag desisyon akong paunlakan ang nasabing imbitasyon.

Agad akong bumalik ng bahay. Naligo at nag ayos. Bandang alas singko ay bumibiyahe na ako papunta sa mahalagang okasyon. Kailangan kong magpakita. May kailangan akong gawin! May kailangan akong tapusin.

Nasa mahalagang lugar na ako bago pa ang takdang oras. Ilang minuto rin akong naghintay. Hindi naman ako managot sapagkat may libreng WiFi. Nagpaka abala ako sa Facebook.

Nang sumapit na ang takdang oras ay sinimulan na ang dapat simulan. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa.

Naging mabilis naman ang lahat! Natapos ko rin kaagad ang mga dapat kong gawin at ayusin. At nang nakakuha na ako ng pagsang ayon mula sa mahalagang tao ay nag handa na ako upang umalis.

Ngunit bago ko tuluyang lisanin ang lugar ay may nilinaw akong impormasyon mula sa mahalagang tao. Laking gulat ko nang sabihin niyang hindi naman kailangan gawin at hindi bahagi ng kasunduan yung bagay na pinagka abalahan ko nang buong araw! Halos mahulog ako sa aking kinauupuan! Gusto kong magalit, maiyak, at matawa sa aking sarili! Nabale wala ang lahat ng aking sakripisyo! Sayang ang oras! Sayang ang pera! Dapat pala ay nagbasa muna akong mabuti! Panibagong aral ito para sa akin!

Page 395

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s