CHAPTER THE SEVENTH

Maraming Salamat Pasig

In Uncategorized on Hulyo 17, 2015 at 12:41 umaga

image

Day 198

I woke up yesterday morning knowing very well that it’s going to be our last day as resident at Unit 12 Jerz Apartment Teodora Compound F Manalo Street Bambang Pasig City. So, I made sure that I accomplish all my unfinished business while I still had time at The Green City.

Unang ginawa ko ay ang pagpunta sa Robinson’s Galleria para kunin ang aking NBI Clearance. Pinandigan ko na ang pagkakamali ko kahapon. Tutal naandun narin naman. Ayoko na isipin ang dapat at hindi ko dapat ginawa. Learn from experience na lang.

Actually, parang nakiki ayon naman sa akin ang tadhana kahapon. Kasi after kong makakuha ng number, na pang 307 na, naisipan kong i-try na pumila muna sa Realising. Ipepresent ko yung nauna kong Application Form. Since maikli ang pila, wala pang 10 minutes ay turn ko na. At mantakin mong nai-release yung clearance ko! Perfect!

At hindi pa duon nagtapos ang mga magagandang kaganapan! After ko makuha ang aking sadya ay nakita ko na may Philhealth and SSS Centers na rin pala duon! Kaya naman inasikaso ko na rin ang aking mga kailangang forms! Mabilis din namang nagawa ang mga requests ko! Nabawasan talaga nang malaki ang mga dapat kong problemahin!

After kong makuha ang mga dapat kong makuha ay nag ikot ikot muna ako kasama si Clifford, na nakita kong pagala gala duon after mairelease ang NBI Clearance ko. Then after a while ay tinakasan ko na siya at umuwi na ako.

Pagdating ko sa bahay, ay tinapos ko na ang natitira kong mga labada. Then lumabas ako ng bahay at nag mirienda. Kumain ako ng Spaghetti at Turon. Then nang mabusog na ako ay pumunta ako sa Central Park. Nagpahangin ako duon saglit then umuwi na rin after around half an hour.

On my way back to the apartment, napansin kong may missed call ako. I texted the number. Apparently, number iyon nang mahalagang tao. I didn’t get a reply right away. Then malapit na ring mag low batt. So, when I got back home, I charged the battery. Naka idlip naman ako. Napanaginipan kong na purnada daw ang aking pagpasok sa PBB House!

May mga isang oras din akong nakatulog. Pagkagising ko, agad kong binuksan ang aking phone. May na receive akong text message mula sa mahalagang tao. Pinapapaalalahanan ako sa magaganap na magandang bagay next week! Nabuhayan ako nang loob! Lalo pa akong natuwa nang may tumawag pang isang mahalagang tao. Nagtanong kung interesado pa daw ba ako. I said yes! Just in case.

So, after kong makampante na ay nagsimula na akong mag empake! Medyo marami rami din akong mga niligpit na gamit. Nakaka lungkot pala talaga ang mag prepare para sa paglipat nang bahay. Lalo na ito.

I must admit. Nuong una, hindi ko talaga gusto nang lumipat kami sa Pasig. Feeling ko kasi very provincial yung lugar. Then napaka layo sa kabihasnan. Nasanay kasi ako sa Quezon City na malapit sa lahat! Anyway, just a few days later, unti unti ko nang na a-appreciate ang Luntiang Ciudad! Lalo kong minahal ang Pasig dahil sa mga larawang nakunan ko bilang bahagi ng aking Project 365! So, even if umalis na ako sa Pasig, that doesn’t mean hindi na ako babalik. So I won’t say Goodbye! Mas tamang sabihin kong: Maraming Salamat Pasig!

Page 396

  1. Pasig is glad to have you Sir!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s