CHAPTER THE SEVENTH

Always On

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Hulyo 18, 2015 at 12:22 umaga

image

Day 199

Madaling araw nang magsimula kaming maglipat ng bahay. May tatlong tagahakot ng mga gamit at taga karga sa truck! Hindi tumagal ng isang oras ang ginawang paglilimas. At quarter to 1 AM ay naka alis na yung sasakyan at ako naman ay bumiyahe mag isa.

Biyaheng Marikina Palengke ang sinakyan ko. I was thinking na bumaba nang Rosario then duon sumakay ng papuntang Cubao. But then I changed my mind. Hindi ko pa kasi nasusubukan ang rutang iyon and baka delikado. So, I decided na dumiretso na lang ng Marikina then saka ako sasakay ng jeep na pa-Cubao.

Anyway, bilang pabaon ay may nag pabebe pang dalawang bagets sa may Rotonda. Nagkatinginan kami nung lumiko sa may Goldilocks yung sinasakyan ko. Umangkas sila sa jeep at ngumiti. But then, bumaba din sila kaagad nang wala silang nahingi na barya. Sabi ko kasi sa kanila ay next time na lang. ang rebuttal nung mas pursigidong bagets ay: “Wala ng next time.” Ayan na!

I was not in the best of mood while on my way back here. Maraming reason kung bakit ayokong bumalik sa bahay na ito. Dinagdagan pa ng mga planong palpak ang pagka inis ko! Ang hirap talaga kapag walang gaanong choice! Kaya dapat talaga siguraduhin kong sa mga susunod na araw ay mabigayan ko ang sarili ko pagkakataon na magkaroon ng maraming pagpipilian.

On well, halos nakasabay ko din lang ang pagdating nung truck! Nang maibaba na ang mga gamit at maipasok sa bahay ay kaagad naman din akong nag ayos nang kuwarto ko! Halos wala rin namang pinagbago dito. Ganun parin. Tulad din nang dati. Yun nga lang, may mga bagong Karakter na kailangan pakisamahan.

Pasado alas tres na ng madaling araw nang matapos ako sa pagaayos ng kuwarto ko. I was on my bed na at quarter to 4. Wala na akong gaanong inisip pa. Pagod ako. Deadma na muna sa mga distractions sa paligid. I’ll deal with them next time.

I woke up at past 11 AM. Medyo napasarap ang tulog ko. Isang pagtulog na, infairness ay mahimbing naman! Siguro kasi napagod ako sa paglilipat. Or maybe, because I missed my old bedroom. Anyway, the first thing I did after I got up and prepared for the day was to look for a Sari Sari Store para makapag pa load. Compared sa Pasig, mahina kasi ang Globe dito sa Project 4 kaya kailangan ko ang powers nang Always On ng Smart!

Oo nga pala, sa kabila ng medyo makulimlim na panahon ay nag ikot ikot na ako. Kumain ako ng fishballs sa may SaveMore kanina. Pero hindi ako nag enjoy. Hindi kasi yung Orig na Fishball Vendor yung naanduon. Naghanap din ako ng Turon sa palengke pero wala. Sarado! Holiday kasi. Eidl Fitr! Kaya Donut sa Julie’s na lang ang miniryenda ko. Nagpunta rin ako sa Simbahan. Then kumuha din ako ng mga larawan sa kanto.

Page 397

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s