CHAPTER THE SEVENTH

Mamang Sorbetero

In Mga pagpuri nang aking pusong humahanga on Hulyo 20, 2015 at 12:17 umaga

image

Day 201

Tinapos ko munang panuorin ang Tagalized Version nang Legally Blonde sa TV 5 bago ako nagdesisyong lumabas ng bahay at mag ikot ikot sa paligid. Nag Day Off ang Makapal na Ulap na may dalang ulan at nagpakitang gilas naman ang Haring Araw kaya masarap mag gala. Pasado alas tres na nang hapon nang maganap ang mga bagay na ito.

Dumiretso ako sa may Our Lady of the Miraculous Medal Parish. Balak ko sanang kunan iyon nang larawan at gawing Photo of the Day. Ngunit hindi ko na itinuloy sapagkat naka puwesto yung kariton ng dati kong binibilhan ng Siomai sa mismong harap ng Simbahan. Nahihiya ako kay Manong. Baka kasi isipin niya na siya ang kinukunan ko at baka umasa na bibili ako nang tinda niya. Kapos ako sa budget kaya pass muna.

Kaya ang ending, nagpunta na lang ako sa Camerino Park. May naabutan akong mga batang naglalaro sa duyan, padulasan, at lawin-lawinan! May napansin din akong isang grupo nang mga musmos na naka palibot sa tatlong kalalakihang naka puting long sleeves at itim na kurbata. Tila sila ay binabahagian ng salita ng Diyos sa pamamagitan ng kuwento. Sa isang sulok naman ng liwasan ay napansin ko ang isang Mamang Sorbetero. Sa kabila nang init nang araw ay matiyaga siyang naghihintay ng parokyano.

Page 399

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s