CHAPTER THE SEVENTH

Bleached

In Mga patutchada nang aking pusong naiimbiyerna on Hulyo 24, 2015 at 12:43 umaga

image

Day 205

May kanya kanyang ugali ang bawat isa sa atin. May kanya kanyang trip at kabaliwan sa buhay! Dati, madali akong maapektuhan nang mga kakaibang asal nang ibang tao. Lalo na yung mga ugaling salungat sa kung ano ang mayroon ako. Dati, kapag hindi tugma ang hilig ko sa hilig ng iba, siguradong may tensyon na yan. Ngayon, mas marunong na akong umunawa. Deadma na lang. Hindi ko rin naman din kasi ikayayaman at ikagaganda ang pagpipilit na maihalintulad sa akin ang paniwala at ugali nang ibang tao. Besides, kung talagang mali ang asal ng isang tao, may makakapansin din talaga niyan! Basta ako, smile na lang.

Page 403

  1. Sobra naman po kayo kuya, may kulay lang ang buhok feeling mestiza na ang tawag mo. Hindi mo naman kilala ang tao grabe ka makahusga kuya. Punicturan mo pa at pinost May permission ba yan? Sabi nga “You don’t have to insult and disrespect others simply to hold your own ground. If you do, that shows how shaky your own position is. ”
    (Qoutes from Red haircrow)
    Nabasa ko ang mga post dito kahit english pa ang iresponse mo hindi matatama niyan ang mali mo. Kuya Mas maipapakita mo ang maturity kapag kaya mo ng tumanggap ng pagkakamali hindi yung idedeny mo pa kitang kita naman po kuya.

  2. Sabi sa caption ng gumawa ng blog pag daw may mali sa asal may makakspansin nga. May napansin nga kami pero hindi dun sa babaeng bleached ang hair. Ang mali dito yung naiimbyerna sa babae sa pics. Deadma daw pero todo lagay ng mapanglait na tags. Smile daw pero todo paninira dun sa girl. Kuya mali po ang pag pipilit na mali ang iba eh halata naman na ikaw ang mali dito
    Ayon sa
    Matthew 7:1-5

    β€œJudge not, that you be not judged. For with the judgment you pronounce you will be judged, and with the measure you use it will be measured to you. Why do you see the speck that is in your brother’s eye, but do not notice the log that is in your own eye? Or how can you say to your brother, β€˜Let me take the speck out of your eye,’ when there is the log in your own eye? You hypocrite, first take the log out of your own eye, and then you will see clearly to take the speck out of your brother’s eye.

  3. Ano ang karapatan mo para humusga sa nais gawin ng ibang tao sa kanilang pisikal na kaanyuan?
    Hindi pang unawa ang ipinakikita mo kundi nakakubling Panghuhusga.
    Diyan pa lang sa tag na bipolar at manic phase, negatibo yan at kitang kitang dinudusta mo ang taong nasa larawan. May pahintulot ka ba niya sa pakuha at pagpost ng larawan nya para lagyan ng tag na ganyan? Malamang wala… Sa mga ikinabit mo sakanyang negatibong salita ipinakikita mo kung gano kalaki ang insekyuridad mo sayong sarili. Masyado kang apektado kahit walang ginawang masama sayo ang taong iyan.
    Maraming katulad mo na gumagawa ng issue sa nais na iba para sa kanilang anyo… Dapat kang maliwanagan naway magabayan ka sa tamang direksyon. Ang desisyon nya ay hindi nakakapinsala sa iba pero ang pakekealam at pangdudusta sa taong walang ginawang masama sa iyo… Iyan ang maling gawain. Hindi pagdeadma ang tawag sa ginawa mo kundi panlalait at yan ang maling asal. Hindi kasalanan ang pag bleach nya ng buhok…pero ang kasalanan ay ang panghuhusga mo panglalait paglalagay ng negatibong tag at pag iisip ng masama laban sa kanya. Inaano ka ng buhok nya? Wala… Pero yung pang hahamak mo sakanya yan ang asal na talagang mali.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s