CHAPTER THE SEVENTH

Shammy Goto House

In Mga kuwento nang aking pusong nag sisenti on Agosto 9, 2015 at 8:24 umaga

image

Day 221

Nagkataong nagkatagpo kami ni Mike Christian along Aurora Blvd kaninang madaling araw. Medyo expected ko naman na talaga ang tagpong iyon. Hindi na ako nagulat! Naka uniform pa siya nang trabaho at dumaan muna raw siya sa Computer Shop! Nag 4 hours daw siya roon. Naglakadlakad kami hanggang sa mag decide kami na kumain muna siya sa Angel’s Burger na malapit sa Alta Cinema. After niya kumain ay nagpatuloy kami sa pag lalakad. Nag hiwalay kami sa 10th Avenue.

From 10th Avenue ay diretso uwi na rin ako. Habang naglalakad ay walang ibang laman ang aking isip kundi ang Angel’s Burger. Pagdating sa bahay ay hindi ko na talaga mapigilan pa ang pag ke-crave sa Cheeseburger and Hungarian Sausage! Kaya umakyat ako sa kuwarto para kumuha ng pera then lumabas ulit ako. Pumunta ako sa Angel’s Burger na malapit sa palengke. Sa kasamaang palad ay wala daw silang cheese, ketsup, mayonnaise, at Hungarian Sausage!

Dahil sawi ang aking kapalaran na makakain ng Cheeseburger at Hungarian Sausage sa Angel’s ay pumunta na lamang ako sa Tindalo Street sa Project 3 at dumiretso sa Shammy Goto House! Walang gaanong customer sa naturang kainan ng ako ay dumating. At dahil tila kakahango lang nang Goto nila ay naghintay muna ako ng mahigit sampung minuto bago na serve ang aking Double Goto with Puso, Tokwa, and 2 bottles of Coke! Hindi naman ako nag dalamhati pa. Kasi alam ko naman na magiging sulit ang aking paghihintay! And I was right! While waiting, may biglang bumati sa akin na dati kong Estudyante! Nabanggit niya na naruon na siya ngayon sa lugar kung nasaan ako dati! Natuwa naman ako! Ang tagpong iyon kasi ay naging napaka laking tulong! Muling nagbalik sa aking alaala kung sino talaga ako!

Page 419

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s