CHAPTER THE SEVENTH

Aurora Boulevard

In Mga paliwanag nang aking pusong nag i-eksplika on Agosto 10, 2015 at 8:05 umaga

image

Day 222

Para wakasan ang matinding paghahangad ko na makakain muli nang maksaysayang Cheeseburger ng Angel’s ay dinayo ko pa ang isa sa mga tindahan nito sa tabi nang Alta Cinema sa may Aurora Boulevard Cubao! Hindi ko na inalintana pa ang tuloy tuloy na pagbuhos nang ambon masunod lamang ang aking kagustuhan!

Ang totoo niyan at may tatlong Angel’s Burger Store pa ang aking madadaanan mula sa bahay hanggang sa sangay na aking pinuntahan sa Cubao. Ang una ay sa may Pamilihang Bayan ng Project 4, ang pangalawa ay sa may Tindalo Street sa Project 3, at yung ikatlo naman ay malapit sa may TIP! Pero, sa kabila nang mga ito ay mas pinili ko paring dayuhin yung Angel’s Burger sa may Alta Cinema!

Ang dahilan ay napaka simple! May nais akong obserbahan. Nang kumain kasi si Mike Christian duon kahapon ay nabanggit niya na marumi raw yung lugar. Ang totoo niyan ay alam kong tama siya! Ngunit dahil sanay naman ako sa lugar ay hindi ko na gaano napapansin pa ang mga kakulangan nito! At kanina nga, nang naroon ako ay napatango na lamang ako nang palihim. Marumi nga talaga ang paligid!

Hindi lang si Mike Christian ang unang nilalang na naringgan ko nang pamumula sa Aurora Boulevard! Mayroon nga akong dating kasamahan sa trabaho na binansagan pa ang lugar na iyon bilang Gotham City! Hindi ko naman sila masisisi! Ano nga ba naman kasi ang aasahan mo sa isang lugar na tadtad nang mga gusaling giba giba, mga sinehang lumang luma, mga Motel at Apartelle sa kaliwa’t kanan, mga nagkalat na basura kung saan saan, hile-hilera ng mga Gay Bar sa bawat kalye, at nagkalat na mga babaeng nag aalok ng short time tuwing gabi? Ang Aurora Boulevard nga ay pinaglipasan na nang panahon! Luma, marumi, madilim, at delikado! Ngunit ang mga dahilang nabanggit ay siya ring rason kung bakit mahal ko ang naturang lugar miski na papaano!

Page 420

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s