Day 234
Rest Day ko na rin sa wakas! Sa sobrang dami nang mga nangyari this week na talaga namang nakaka windang ay very glad lang talaga ako that it’s finally time to relax and unwind! Wala pa akong mga plano tonight or bukas. Pero kung may magyayaya na lumabas at magpakasaya lang somewhere na may kaganapang nakakapag paligaya ay why not naman? But siyempre depende parin ulit yun sa dikta nang masungit na panahon. Malakas ang ulan at hangin kanina. Nakarating na yata sa bansa ang bagyong Ineng at pinapaigting nito ang Habagat! Medyo flooded na rin sa ibang lugar. Sarap matulog nito!
Page 432