Day 240
Imbis na magbunyi ay natatakot ako sa mga bagay na kinakaya nanamang gawin nang aking isip sa mga nakaraang araw! Alam ko na kasi ang paroroonan nang lahat ng ito! Kapag pinursige ko ang aking mga nasimulan, baka hindi ko na maawat ang aking sarili! At alam kong marami ang aalma! Minsan ko na kasing tinahak ang landas na ito! Minsan ko nang nakita ang bawat kaganapan! Narating ko ang aking nais! May ilan ang naging maligaya, ngunit mas marami ang hindi natuwa! Pinanindigan ko ang tama! Ako ay naging kalaban! Umasa ako na silang aking mga pinaglaban ay sila ring magiging kakampi! Ngunit bandang huli, sila rin pala ang unang tatalikod, bibitaw, at magpapahamak sa akin! Oo, natatakot ako! Takot na takot! Ayoko na muling mauwi sa limot!
Page 438