CHAPTER THE SEVENTH

Tramo

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Setyembre 5, 2015 at 1:58 hapon

image

Day 248

It has been a very long day! Ang daming naganap nitong araw na ito! I woke up early upang mapaghandaan ko ang isang sorpresang inihanda nang class namin para sa isang tagapagbigay ng dunong!

Mula sa bahay ay nagtungo muna ako sa National Bookstore sa Alimall para makabili ng Thank You card. Pagkatapos naman ay bumihaye na ako papuntang IPI. Dumiretso ako kaagad sa SM Hypermarket upang makabili ng Chocolate Cake sa Red Ribbons.

Since mahaba pa naman ang oras ay kumain muna ako sa Food Court. After eating ay pumunta na ako nang office. Naabutan ko sina Macky, Bryan, Carlo, at Pan sa harap ng office. Dala na nila ang mga jackets at balloons. Umakyat na kami sa 3rd floor para makapagbasta.

Matapos ang ilang minutong preparasyon ay naipresent nanamin ang aming inihanda. Mukhang natuwa naman ang siyang aming pinahalagahan. Pagkatapos nang maikling programa ay Business as usual na kami! Nagkaroon muli ng mahabang discussions, then meeting with the ABay Support Team, then finally the Final Exams!

Wonderful naman ang naging pagtatapos nang 7 weeks Training namin! So after class, para miski papaano ay mabawasan ang matinding stress na naranasan ko the whole week, pumunta kami ni Joe sa Alex para kumain ng Goto at Tokwa’t Baboy! As usual, naka apat na servings ako! After eating ay naglakad lakad kami around Pasig City Hall, Central Park, and Pasig Mega Market. Chikahan at Bird Watching kami ng walang humpay! Ang ending, nakarating ako sa Tramo para makasakay naman nang jeep na biyaheng Cubao pauwi dito sa bahay.

Page 446

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s