Day 250
Sa mga susunod na araw, or at least bago man lang matapos ang taon, gusto kong makunan nang larawan ang buong Araneta Center at gumawa ng Series para sa nasabing lugar! Everyday kasi, sa tuwing papasok at uuwi ako, lagi kong napapansin ang malaking pagbabagong nagaganap sa Cubao. Ang daming mga buildings na itinatayo! Kaliwa’t kanan! Merong Parking Buildings, Condominiums, at Business Centers! Lahat vertical expansion! Although nakakatuwa naman siya, pero nakakamiss din talaga yung hitsura ng dating Cubao! Wala na yung mga lugar na dati kong pinapasyalan tulad nang COD, Rustan’s, New Frontier Theater, at Fiesta Carnival. Ibang establishments na ang nakatayo sa lugar kung saan sila dati naroroon! Yung iba namang nananatili duon tulad ng SM, Ali Mall, Shoe Expo, at Isetan ay tila unti unti na ring pinaglilipasan ng panahon! Hindi na ako magtataka kung sa mga susunod na araw ay mawala na rin siya! So, bago pa tuluyang mabago ang hitsura ng Araneta Center Cubao, kukuha na ako nang maraming remembrance!
Page 448