CHAPTER THE SEVENTH

Isetann Cubao

In Mga salaysay nang aking pusong nag babalik tanaw on Setyembre 20, 2015 at 5:38 umaga

image

Day 263

Ang dati kong Co Teacher na si Mr. John Estandian ang unang nag dala sa akin sa Isetann Cubao. That was more than 15 years ago. Prior to that, ni hindi ko nga napapansin ang Shopping Center na ito. At ang totoo talaga niyan ay ni hindi ko nga rin alam na mayroon pala nito sa Cubao. Ang kilala ko lang kasi dati ay ang Ali Mall at SM. Anyway, dito sa Isetann ako dati nakakabili nang aking mga iba’t ibang kulay na long sleeves with matching necktie! Nakakabili rin ako dito nang mga pants na pang pasok. Mura rin dito ang mga sando, medyas, sapatos, at mga pang decorate sa bahay. Tulad din nang Ali Mall, maliwanag at maingay ang lugar na ito dati. Parating maraming tao! Maraming mamimili. Masaya! Pero nuon yun. Nuong panahong hindi pa gaano kumplikado ang buhay ng mga tao. Ngayon, sa tuwing napapadaan ako sa Aurora Blvd at napapasulyap ako sa Isetann, tila pinaglipasan na rin ito ng panahon. Madilim. Masikip. Pinalilibutan ng naglalakihang mga gusali.

Page 461

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s