CHAPTER THE SEVENTH

Buti na lang

In Mga liham nang aking pusong lubos na nag mamahal on Setyembre 30, 2015 at 6:29 umaga

image

Day 273

Nag ayos ako maigi ng kuwarto. Nagpalit ako ng kurtina. Pinalitan ko rin yung shower curtain. Sinigurado kong nakapag spray ako ng air freshener sa buong paligid. Sinigurado ko ring may naka ready akong Smart Call & Text Card na worth 300 Php. Inihanda ko rin yung bagong Hanabishi Rice Cooker para magamit. At miski puyat na puyat ako ay bumalik pa ako ng Cubao para mag grocery. Bumili ako nang limang kilong Brown Rice, Sunflower Crackers Cheese Flavor, Chips Delight Soft Brownie Cookies, at Nissin Butter Coconut Biscuits. Hindi ko rin kinalimutang bumili nang Ariel Color and Style, Safeguard Natural Essence Calamansi Fresh, Ariel Antibac Hanggang 2 labanan, Shokubutsu Hana Shampoo Anti-Hairfall, at Colgate Fresh Confidence with Cooling Crystals. Ang usapan natin ay magkikita tayo sa Malvar Street ng 11:00 PM. Oo nga at na late ako mag text at buong araw na off ang aking phone. Pero tinext kita nang makailang ulit. Wala kang reply. Tinawagan din kita. Kinakansel mo naman ang mga calls ko. Ano na nangyari? Bakit wala ka kanina sa napagusapang tagpuan? Naghintay ako hanggang 4:12 AM. Ang lungkot naman. Pero, alam mo? Buti na lang din at hindi naman ako gaano umasa kaya parang hindi rin ako masyado nasaktan. Okay lang! Smile na lang. I will be happy. Kung tutuusin, ang hindi mo pagsulpot ay makakabuti rin para sa akin. Teka, oo nga pala, bumili pa naman ako nang Cream Silk Standout Straight, yung kulay Pink! Ano na gagawin ko dito ngayon? Hahaha!

Page 471

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s