CHAPTER THE SEVENTH

Kuwentong Barbero

In Mga patutchada nang aking pusong naiimbiyerna on Oktubre 2, 2015 at 5:09 umaga

image

Day 275

Ang pinaka matinding Kuwentong Barbero na aking narinig was from a Former Workmate sa Cubao! Ayon sa kanya, ang Coca Cola or Coke daw ay naimbento nang isang Scientist na lulong sa ipinagbabawal na droga! Accidentally daw kasi ay nalagyan niya nang Cocaine ang isang iniimbentong inumin! At duon na raw nagsimula ang Coca Cola! Dahil din daw sa kuwentong nabanggit kaya Coke ang isa pang name nito. At dahil sa sangkap na Cocaine kaya rin daw nakaka addict ang pag inom nang nasabing soft drink! Huwag na huwag din daw magpapa Medical Exam after uminom ng Coke dahil lalabas na Drug User ka! Nakakaloka noh? Pero take note, maraming mga tila kulang sa pag unawa ang naniwala sa kanya! Kaya Pepsi na lang ang nilaklak. Kahindikhindik! At ito pa! May isa pa siyang hirit! Ayon sa kanya, sa tuwing kumukulog at kumikidlat daw, hindi tumatalbog ang ano mang bola! Kakakaloka! So minsan, sa kalagitnaan nang thunder and lighting ay nag dribble ako nang Basketball Ball. Aba! Tumalbog naman! Natulala na lang ako! With matching open mouth and lock jaw! Aking napagtanto na puro kalokohan lang talaga ang Kuwentong Barbero ni Lolo! Pero ito, isang kuwentong totoong totoo! Ang isang Bagets na Basketbolero, kapag ipinagpalit sa kaibigan na mas mainam, talaga namang mang i-intercept nang kalaban at hahamakin pati ang malakas na ulang dulot ni Kabayan para makakubra lamang! Ayan na! End of story.

Page 473

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s