CHAPTER THE SEVENTH

Dating Gawi

In Mga hinagpis nang aking pusong nalulumbay on Oktubre 4, 2015 at 6:11 umaga

image

Day 277

Pagkatapos nang check up ko kahapon ay agad din naman akong umuwi. Pinilit kong hindi pansinin yung tindahan nang Lapid’s Chicharon na nasa baba lang nang Friendly Care Clinic. For lunch naman, dineadma ko rin muna yung Binagoongang Baboy at nag Miswa with Meatballs na lang ako. May isang box din nang Yema Cake sa ref na for sure ay wala namang ibang magkakainteres kundi ako lang! Ilang oras ko ding pinigilan ang aking sarili pero kalaunan ay napakain din ako. Dalawang maliit na slices lamang. Kung hindi pa ako nag pigil ay baka nangalahati pa yun. Pinursige kong makapunta nang office kanina para maiabot yung Med Cert ko na pirmado ni Dr. Embry. On the way, nadaanan kong bukas pa ang Mang Inasal sa Cubao. Gusto ko sana kumain pero muli ay nagpigil ako. Kinumbinsi ko na lang yung sarili ko na masarap yung dalawang Sunflower Crackers na nasa loob ng aking bag. Saglit lang ako nag stay sa office. After ko maiabot yung Med Cert and after akong i-brief about my new scheduled for next week ay umuwi na din ako agad. Dumiretso ako ng Cubao. Nake-crave ako nang Spaghetti, Chicken, Fries, and Sundae ng Jollibee pero nang dumaan yung jeep sa may TIP ay bumaba na ako kaagad. Nag decide ako na mag Computer na lang muna saglit. After less than an hour ay nag decide na akong mag out. Dumiretso ako sa Shammy’s. Naabutan ko duon si Adrian na taga Aguinaldo. Nagkuwentuhan kami habang kumakain ng Goto. Naka isang order lang ako. Gusto ko pa sana umulit pero ako ay nagpigil. Pati sa soft drinks ay may pagtitiis na naganap. Isang 12oz na Pepsi lang ang binili ko imbes na litro. Kailangan talaga simulan ko na ngayon ang pag didisiplina sa pag kain. Dapat ko talaga pigilan ang katakawan! Hindi na puwede yung dating gawi!

Page 475

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s