CHAPTER THE SEVENTH

Masamang Balita

In Mga sigaw nang aking pusong makabayan on Oktubre 6, 2015 at 1:06 hapon

image

Day 279

Hanggang mamayang gabi pa ang 11 hours shift ko. Ang masamang balita, magsisimula pa siya ng 11:00 pm. Ibig sabihin, mababawasan pa ang oras nang aking pahinga! Halos kumpleto kaming magkaka wave sa office kanina. Ang masamang balita, wala parin sina Bless and Pan. Ang kumakalat na kuwento ay magreresign na silang dalawa! Tuluyan na ring hindi pumasok si Harris. Ang masamang balita, kumpirmadong Brain Tumor yung cause nang matinding pagsakit ng ulo niya. Sana naman ay malampasan niya ang pagsubok na ito! Nang dahil sa isang long call ay katanghaliang tapat na ako nakalabas nang office. Ang masamang balita, itong headline na ito ang bumungad sa akin. Juice quo pong mahabagin! Sobrang dami nang mga pasaherong nag aabang nang jeep biyaheng Cubao pagdating ko sa IPI. Ang masamang balita, wala halos pumapasadang jeep. Sa kalagitnaan nang tirik na araw ay naglakad tuloy ako from Tulay hanggang Dampa Libis! Gutom na gutom, pawis na pawis, at pagod na pagod na ako pagdating ko sa bahay. Ang masamang balita, naabutan kong gising pa ang mga dugyot na nilalang! Walang habas na nag iwan nang matinding kababuyan sa loob nang bahay!

Page 477

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s