CHAPTER THE SEVENTH

A shot in the dark

In Mga pagsisiwalat nang aking pusong nagsisimula on Oktubre 9, 2015 at 7:34 umaga

image

Day 282

Hindi nga ako nag sayang nang oras. Sa bawat pagkakataon na mayroon ako ay talagang aking ipinapahinga at itinututulog. Miski na papaano ay nanumbalik nang bahagya ang sigla ng aking katawan. Hindi na talaga ako tulad ng dati. Hindi na kaya ng katawan ko ang sobrang pagod. Dapat talaga ay mag ingat na ako. Babantayan ko na rin talaga dapat ang lahat nang mga kinakain ko. Babawasan ko na rin pati ang mga pagsabak ko sa mga gawain na nagdudulot sa akin nang saya ngunit lumalaspag naman sa aking pangangatawan. Unti unti ko nang sisimulan ang healthy living! Mukhang nakabuti sa akin ang pag kain ng Brown Rice. Ipagpapatuloy ko ang pag inom ng Lemon Water tuwing umaga. At pag may pagkakataon ay dadalasan ko ang paglalakad lakad at pagpapapawis. Sa pamamagitan ng simpleng gawain tulad nang aking nabanggit ay makakapag ehersisyo na ako habang naisasakatuparan din ang pag tupad sa aking nasimulang proyektong malapit nang magtapos! Nais kong ipagpatuloy sa susunod na taon ang Project 365. Ang aking hangad ay mapagdalubhasaan ang pagkuha ng larawan sa dilim.

Page 480

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s