CHAPTER THE SEVENTH

Front Row

In Mga salaysay nang aking pusong nag babalik tanaw on Oktubre 16, 2015 at 4:38 umaga

image

Day 289

Sa batang edad pa lamang ay natuto at marunong na akong maging kuntento sa buhay. Masaya na ako sa kung ano lang ang kakarampot na mayroon ako. Maligaya na ako sa kung ano lang ang iniaabot o ibinibigay sa akin. Hindi ako natutong humingi nang dagdag o nang higit pa. Nang ako ay magtrabaho na, naipagpatuloy ko ang parehas na ugali. Madalas, ang mga pinag kakaabalahan ko ay pulos mga walang katumbas na pera. Puro puso lang ang puhunan. Walang inaasahang kabayaran kundi pasalamat lamang. Hindi ako pala hangad nang mga bagay na materyal. Kailanman ay hindi rin akong nasilaw sa pagnanais na magkamal nang limpak limpak na salapi. Ewan ko ba kung bakit, ngunit laging mas mahalaga para sa akin ang kaligayahan nang puso at katahimikan nang isip kaysa mag may ari nga mga magagarang kagamitan at ubod daming kuwalta. Aaminin ko rin namang nakakaramdam din ako nang inggit kapag may nakikita akong mga kakilala ko na mas asensado sa buhay. Ngunit madali rin namang nawawala ang negatibong pagiisip at pakiramdam at muli ay bumabalik sa akin ang pagiging kuntento. Naikuwento ko lamang ito dahil sa inspirasyong dulot nang mga batang ito na aking nakita sa tapat nang isang kilalang Appliance Center sa Cubao nuong ako ay pumunta sa may Forester Building.

Page 487

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s