CHAPTER THE SEVENTH

Glamour Shot

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Oktubre 24, 2015 at 5:15 umaga

image

Day 297

Binisita ako nang dati kong estudyante na si James Oliver Mora kahapon ng madaling araw. Marami kaming napagkuwentuhan. Kabilang na sa mga pinag diskusyunan namin ay ang mga challenges na kinaharap niya nuong nasa High School pa lamang siya. Akin siyang tinanong kung ano ang naiisip niya nang mga panahong pakiramdam niya ay sadlak siya sa lusak. Ang tugon niya ay: “Ngayon lang ito.” Humanga ako sa kanyang sagot. Pasado ala sais na nang umaga nang kami ay maghiwalay. Miski na kulang sa tulog ay pumunta parin ako sa Sto Domingo Clinic sa Shaw Blvd bago mag alas diyes. Kailangan kong magpa eksamin. Hindi naman gaano naging mahirap ang mga proseso. Sanay na ako. Ngunit kailangan kong ulitin ang pagpapakuha ng BP. As usual ay mataas nanaman kasi. Matagal akong naghintay. Mahigit isang oras. Hindi ko nakuhang magalit sapagkat sa tagal nang aking pahinga ay normal na ang aking presyon nang ito ay muling kunan. Tanghaling tapat na nang ako ay matapos sa Clinic. Sa may EDSA Central na ako nag abang nang bus na biyaheng Cubao Ibabaw. Habang naghihintay nang masasakyan ay naisipan kong kunan ng larawan ang mga bus. Sa hindi kalayuan ay napansin ko rin si Kuya. Hindi niya ininda ang init nang panahon, ang ingay nang mga sasakyan, o ang hanging hitik sa usok basta maibigay lamang niya ang kanyang pinaka mainam na pose para sa kanyang Glamour Shot.

Page 495

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s