CHAPTER THE SEVENTH

Kung Hindi Ukol

In Mga hinagpis nang aking pusong nalulumbay on Oktubre 26, 2015 at 1:38 umaga

image

Day 299

Habang tinitipa ko ang poste na ito ay wala paring tugon sa mga katanungang aking inilatag sa isang kinauukulan kahapon. Buong araw akong nag hintay. Buong araw akong nag abang. Pinipilit kong huwag mag alala. Alam ko kasi na ang lahat ay magiging mabuti rin naman talaga kalaunan. Ngunit dahil tao lamang ako, hindi ko rin naman maiwasang hindi dalawin nang negatibong kamalayan ang aking pag iisip. Paminsan minsan ay tinatalo ako nang takot. Ngunit mabilis ko rin namang naiwawaksi ang kaba at pagdududa. At binabalot muli ako nang kapayapaan. Ang aking tiwala sa Panginoon ay mas malaki kaysa sa aking pangamba. Dapat kong alalahanin na huwag ipagpilitan ang isang bagay kung talagang hindi ito ukol para sa akin. Tiyak naman kasi ako na may mas mainam na plano para sa akin ang Diyos. At habang naghihintay ay dapat ko lang isipin na gawin ang aking parte, isaisantabi ang pag aalala, ipahinga ang aking isip, at hayaan ang Panginoon na dalhin ako kung saan ako dapat na naroroon.

Page 497

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s