CHAPTER THE SEVENTH

Ang Makabuluhang Buhay

In Mga kabanata nang aking pusong natuto on Oktubre 27, 2015 at 7:11 umaga

image

Day 300

Sa tuwing makakakita ako nang Tinapa o Tindera ng Tinapa ay may naaalala akong isang magandang kuwento. Kinse anyos, high school student, at nakatira pa kami sa Capipisa Tanza Cavite nuon nang maganap ang istorya na aking ilalahad. Ganito iyon: May isang Matandang Babae na madalas maglako nang Tinapa sa aming lugar. Kaka Panchang ang kanyang pangalan. Araw araw, habang balabalanse sa ulo ang isang malaking bilao na punong puno nang Tinapa ay walang pagod niyang nililibot ang buong Barrio upang makapag benta. Sa kabila nang payat na pangangatawan ay tuloy tuloy lang siya sa paghahanap buhay. Hindi niya alintana ang init ng araw o ang lakas ng ulan. Maka ilang beses na rin akong nakabili nang Tinapa kay Kaka Panchang. At sa aking pagkakaalala, medyo matipid sa salita ang matanda. Hindi siya pala kuwento. Pagkatapos niyang mai abot ang kanyang paninda at makuha ang bayad mula sa kanyang parokyano ay umaalis din siya kaagad. Ganun din siya makihalubilo sa ibang kapitbahay. Dahil sa kanyang kagawian ay medyo kinakatakutan siya ng ilang tao, lalo na nang mga bata. At aaminin ko na maging ako rin ay malaki ang takot kay Kaka Panchang. Ngunit isang araw ay nabago ang pagtingin ko sa matanda nang makita ko siyang huminto sa gitna nang madamong kalsada, ibinaba ang bilao sa kanyang ulo, kumuha at binuksan ang isang supot ng Tinapa, at ipinakain iyon sa mga pusang nagkalat sa paligid. Ilang beses ko pa muling nasaksihan ang katulad na eksena mula kay Kaka Panchang. Aking naintindihan mula nuon kung ano ang ibig sabihin nang makabuluhang buhay.

Page 498

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s