CHAPTER THE SEVENTH

Serving the purpose

In Mga pagpuri nang aking pusong humahanga on Oktubre 28, 2015 at 1:09 hapon

image

Day 301

Naging napakabagal para sa akin ang takbo nang oras kahapon ng umaga. Nanatili lamang ako sa loob ng aking silid at pilit na nagpahinga sa kabila ng ingay na dala nang mga dayong walang pakiramdam at abusado.

Nagkaroon lamang nang aksyon ang aking araw pagdating ng tanghali nang magdesisyon akong lumabas nang bahay upang kumain ng Beef Mami kay Mang Pol. Matapos nuon ay dumiretso ako sa Cubao upang kumain naman nang Turon sa SM. Nag renta rin ako ng computer. Balak ko sana kasing mag hanap nang job opening para sa Online English Teachers, kaya lang sobrang bagal naman ng connection sa Xcel Computer Shop kaya sumibat din ako pagkatapos ng kalahating oras.

From Cubao ay bumiyahe na ako pabalik dito sa Project 4 at pumunta ako sa Computer Shop na malapit sa SaveMore P Tuazon. Nag online ako. Open time. Nawili ako sa kakapanuod na mag Twerk si Tommy Peñaflor at sa pakikipag chat sa ilang mga kaibigan. Naka huntahan ko ang dalawang kaibigan na may parehong suliranin sa pagdadalantao. Naka usap ko rin ang dalawa pang malapit sa aking puso na may pinagdaraanang isyu sa usaping pag ibig. Naka chat ko rin ang dalawa sa mga Malvar Boys na pinopromote ang kanilang sarili at nagyayayang makipagkita.

Sa gitna nang pagbibigay ko ng payo sa aking mga kaibigan na tila pasan pasan ang mundo sa kanilang mga balikat ay biglang nag text sa akin si James Oliver Mora. Nagyayaya siyang mag dinner. Treat daw niya. Sisimba lamang muna daw siya bago niya ako puntahan. Ang napagkasunduan namin ay susunduin niya ako ng alas siyete. Umalis ako ng Computer Shop at quarter ko seven and I was ready to go at exactly 7:00 PM. Oliver arrived a few minutes past seven. Kinausap daw muna kasi niya ang Pari at humingi nang pangaral pagkatapos ng misa kaya siya natagalan. Muli ay namangha nanaman ako sa kanyang lakas ng loob at sa kung ano ang mga kaya niyang gawin!

Dumiretso kami sa UP Town Center. Sabi ko kasi ay gusto ko ng ulam na may sabaw. Dinala ako ni Oliver sa Crisostomo. Umorder kami nang Sinigang na Meztiso, Pilosopong Pakbet, Lechon Kawali ni Tasyo, ilang cups ng White Rice, Mango Shake, ang refillable Tamarind Iced Tea. We both enjoyed the meal! Napaka sarap ng food sa Crisostomo. Sobra akong nag enjoy ako sa Sinigang! Panalo talaga.

After dinner ay binisita naman namin si Ate Danica Sta Ana sa Balara! Nagka kamustahan kami at nagkuwentuhan nang walang humpay. Naging maligaya naman ako sa aming muling pagkikita.

Habang abala ako sa pakikipag kuwentuhan kay Ate Danica ay nag text si Jomatt. Nasa Malvar daw si Axl. Gusto raw makipagkita. Nag reply ako kaagad. Na excite ako ng sobra! Eventually ay nagkapalitan din kami ng text ni Axl. Nagkasundo kaming magkita pag uwi ko galing Balara. Unfortunately, hindi ako kaagad nakauwi kaya hindi rin kami natuloy.

I ended up the day with Oliver. Tumambay pa kami sa isang Convenience Store at pinag usapan ang mga makakabuti para sa aming mga indibidwal na buhay. Then naglakad kami from UP Town Center hanggang dito sa Project 4. Alas tres na nang madaling araw!

Page 499

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s