CHAPTER THE SEVENTH

Huling hantungan

In Mga pahayag nang aking pusong nais makalimot on Nobyembre 1, 2015 at 12:42 umaga

image

Day 305

Naging sobrang masalimuot nang aking pagkabata. Marami akong mga pinagdaanan sa buhay na mahirap makalimutan. Mga karanasang naging dahilan kung bakit nawalan ako nang tiwala sa aking kapwa. Mga pangyayari sa aking murang edad na naging rason kung bakit pati ang Diyos ay aking kinuwestyon! Bitbit ko ang mabigat na bagahe habang ako ay nagkakaisip at hanggang sa ako ay tumanda. Matagal akong nagkimkim nang galit sa aking puso. Walang ibang laman ang aking isip kundi paghihiganti. Nag uumapaw ako sa poot! Lunod ako sa duda! Hindi ako naging masaya. Mabigat parati ang buhay. Habang abala ako sa pag ganap sa katauhan nang siyang biktima ay lalong nag umigting ang aking galit. Marami nadamay. Marami nasaktan. Makailang beses ko na ring ipinagdasal sa Panginoon na nawa’y matuto na rin akong magpatawad. Matagal akong naghintay. Sa mga nakalipas na araw ay ramdam ko na tila dininig na rin sa wakas ang aking mga panalangin. Gumagaan na ang aking puso. Ngayon, nais ko nang simulan ang proseso ng pagpapatawad at pagkalimot! Wala akong balak na dalhin pa ang poot, pighati, at dalamhati hanggang sa aking huling hantungan.

Page 503

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s