CHAPTER THE SEVENTH

St. Joseph Shrine

In Mga panalangin nang aking pusong nag susumamo on Nobyembre 2, 2015 at 8:55 umaga

image

Day 306

Makailang beses ko na rin namang nabanggit na hindi talaga ako pala simba. Kuntento na ako sa pagdarasal na mag isa at tahimik sa loob nang aking silid o kung saan mang lugar na nakakaramdam ako nang kapayapaan. Mayroon din akong napaka personal na dahilan kung bakit tinabangan din ako sa pagsisimba. Komportable ako sa ideya na hindi man ako makinig nang misa ay nagdarasal naman ako nang diretso sa Diyos. Ngunit kahapon, bago mag alas tres nang tanghali, sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nagbasta ako at dinala nang aking mga paa sa St. Joseph Shrine sa Aurora Blvd. Ito yung simbahan na nabanggit ko nuong October 22. Ito rin yung simbahan na sumagot kaagad sa isang panalangin. Anyway, pagdating ko duon ay natiyempuhan kong pasimula pa lang ang misa kaya nag desisyon akong makinig na rin sa sermon nang Pari. Tungkol sa Beatitude at kung sino talaga ang mga tunay na pinag pala nang Panginoon ang Homily. Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos ng Banal na Misa.

Page 504

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s