CHAPTER THE SEVENTH

Habang may panahon pa

In Mga hinagpis nang aking pusong nalulumbay on Nobyembre 4, 2015 at 1:25 umaga

image

Day 308

Dalawang beses akong bumalik sa parteng ito nang Cubao kahapon. Una ay bandang alas diyes ng umaga nang magyaya ang aking kapatid na kumain sa Zark’s. Umorder ako ng The Burger from Hell at siya naman ay ang Ultimate Burger. Nanatili kami sa nasabing lugar hanggang alas onse y medya. Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa bahay at nagpahinga muna ako saglit. Bago naman mag alas dos ay umalis din ako muli. May appointment kasi ako sa isang mataas na bagong gusali sa parehong lugar. Alas tres dapat ay naanduon na ako. Hindi naman ako na late. Naging maayos naman ang lahat. Naging napakaganda rin nang kinalabasan ng aking pakikipagtagpo sa isang mahalagang tao. Ngunit haharap nanaman ako sa ilang proseso na lubos kong kinatatakutan! Ang totoo niyan ay kinukubkob nanaman ako nang kaba at pagdududa. Ngunit haharapin ko ang lahat. Mas mabuti nang gawin ko ang kung anong man ang hingin. Para nang sa gayon, kung hindi man pumabor sa akin ang tadhana, may magagawa naman ako agad na paraan upang maipagpatuloy ang laban sa buhay. Gagawin ko ang dapat habang maaga. Habang may panahon pa.

Page 506

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s