CHAPTER THE SEVENTH

Wala namang tinatanaw

In Mga pintig nang aking pusong umiibig on Nobyembre 5, 2015 at 12:22 umaga

image

Day 309

Ilang ulit din siyang nagpadala ng mensahe. Siya raw ay darating. Hindi ako kaagad tumugon. Pilit ko siyang iniwasan. Alam ko naman kasi kung ano lang talaga ang dapat. Maraming beses ko nang nasaksihan at pinagbidahan ang ganitong kuwento. Hindi na ito bago para sa akin. Parepareho lang ang takbo ng istorya. Iba iba lang ang mga gumaganap. Ligaya sa umpisa. Pighati sa huli. Nakatanim na sa aking isipan ang mga aral. Nakatimo na sa aking puso ang sakit. Sa kabila nang aking pag iwas ay dumating din siya! Kaya naman nagpadaloy na rin lang ako sa agos. Nilubos ko na lang ang limitadong oras na siya ay kasama. Kami ay nagkausap nang mas matagal at mas makabuluhan. Naintindihan niya ako. Naunawaan ko siya. Hindi nila dapat malaman. Ako ay muling nagkasala. Parang hindi tama. Tumigil muna muli ang mundo. Ako ngayon ay napapa isip. Natutulala. Malayo ang abot ng tingin. Wala namang tinatanaw.

Page 507

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s