CHAPTER THE SEVENTH

Matinong kausap

In Mga pagsisiwalat nang aking pusong nagsisimula on Nobyembre 6, 2015 at 1:27 umaga

image

Day 310

May pinaghahandaan akong importanteng pagkakagastusan! Malaking halaga ang aking kailangan. Hindi sapat ang aking salapi. Ayoko naman mangutang. Takot ako sa obligasyon sa kuwalta. Kaya ang naisip kong solusyon ay ang ibenta na lamang ang ilan sa mga koleksyon kong aklat. May isa akong kakilalang nagpahayag nang interes na bilhin ang isa sa mga serye na aking naipundar. Nuong simula ay naging maayos ang aming kasunduan. Dahil miski papaano ay mayroon naman kaming pinagsamahan, at alam kong mahilig din naman talaga siya sa mga aklat, ay pumayag ako sa halagang gusto niya. Ito ay sa kabila nang katotohanang kung sa iba ko ipagbibili ang mga nasabing aklat ay mas malaking pera ang aking kikitain. Sa kasamaang palad ay tila nag iba bigla ang ihip nang hangin. Bandang huli kasi ay tila nais na lamang niya akong isahan. Ang dami na niyang mga nais maganap. Lahat ay puro pabor lamang sa kanya. Nalungkot ako pero hindi ako nagalit. Pumunta na lamang ako sa Monasterio de Sta Clara upang ipagdasal ang aking mga pangangailangan. Alam kong pakikinggan ako ng Diyos.

Page 508

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s