CHAPTER THE SEVENTH

Matinding pagsubok

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Nobyembre 7, 2015 at 1:27 umaga

image

Day 311

Pinagkaabalahan at pinagtuunan ko nang oras at pansin kahapon ang pagsasaayos nang ilan sa mga mahalagang bagay na kung papalarin at mapagtatagumpayan ko ay magbibigay muli sa akin nang maginhawa at matiwasay na buhay. Naniniwala ako na ako’y ginagabayan ng Panginoon sa aking bawat hakbang kahapon! Naging napakabuti niya! Ipinagkaloob niya na makadaupang palad ko ang lahat ng mga taong aking nakasalamuha upang maging madali ang lahat para sa akin. Sunod sunod ang mga milagrong aking nasaksihan. Halos hindi ako makapaniwala! Mula sa pagkausap at pagbigay sa akin ng mga detalyadong impormasyon ng isang kawani ng Ospital na aking pinagpakonsultahan hanggang sa pagkukrus muli namin ng landas nang isang babaeng nagdadalantao sa harap nang isang kilalang kainan sa Aurora Blvd Cubao. Ibinigay din ng Diyos ang lahat ng aking mga pangangailangan! Hindi niya ako pinabayaan! Alam ko na ang lahat nang mga mangyayari pa ay naaayon din sa kung ano ang kanyang plano. Nang dahil sa mga nangyari kahapon ay mas lalo akong natutong magtiwala! Ito ay isang aral na nais ko ring ibahagi sa isang kaibigang dumaraan din ngayon sa isang matinding pagsubok!

Page 509

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s