CHAPTER THE SEVENTH

Mabuting tao

In Mga kuwento nang aking pusong nag sisenti on Nobyembre 8, 2015 at 12:28 umaga

image

Day 312

Nagpunta ako sa pagamutan. Sapat lang ang dala kong pera. Takot akong mapasubo sa gastusin. Alam ko kasing walang kasiguraduhan ang pasok at dating nang aking pondo. Naging maayos naman ang aking pagpapakunsulta. Nabuhayan ako nang loob sa mga nabanggit sa akin nang nakausap kong Nurse at Doctor. Upang hindi na maantala pa ang ibang proseso ay may kailangan akong isumite. Mga mahalagang dokumento! Hindi na iyon problema sapagkat meron na ako nung mga hinahanap. Kailangan ko lang bumalik ng bahay upang kunin. Sa katanghaliang tapat ay umuwi ako muli. Kinuha ko ang hinahanap. Agad din akong bumalik. Dumaan muna ako sa isang Photocopying Shop. Pinakopya ko ang ilang mga papeles. Limang piso ang dapat kong bayaran. Nag abot ako ng Isangdaang piso. Walang panukli yung babaeng nagbabantay ng pakopyahan. Tinggap na lamang niya kung magkano ang barya na mayroon ako sa aking bag. Wala pang dalawang piso ang aking naiabot. Nang maisumite ko na ang mga mahalagang papeles ay naglakad na ako patungo sa isa pang destinasyon. Hindi pa ako kumakain. Gutom na ako. May biglang lumapit sa akin. Isang Headhunter. Inimbitahan ako sa isang panayam. Libre daw ang pagkain. Sumama ako. Binigyan ako nang dalawang Siopao, Rice, and Fried Chicken. Pagkatapos nang mahaba habang interview ay pinuntahan ko na ang isa ko pang sadya. Wala yung taong dapat kong hanapin. Ngunit may iba namang mabuting tao ring malugod na tumulong sa akin.

Page 510

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s