CHAPTER THE SEVENTH

Bukas na lang

In Mga pagsisiwalat nang aking pusong nagsisimula on Nobyembre 13, 2015 at 12:18 umaga

image

Day 317

Naging mas positibo nanaman ang pananaw ko sa buhay simula nuong nakaraang araw. Ito ay pagkatapos kong matanggap ang isang magandang balita tungkol sa aking kalusugan! Napuno nang galak ang aking puso. Nag umapaw sa magandang panaginip ang aking gising na isipan. Nagsimula nanaman akong mangarap! Magarbo. Marangya. Mataas. Matayog. Ayoko nang kaunti. Ayoko nang puwede na. Malinaw sa akin ang mga nais kong makamit. Alam ko kung paano ko mararating ang aking mga balak. Pangako ko sa aking sarili ay magiging maginhawa na ang aking buhay. Kailangan ko nang matuto sa aking mga pagkakamali. Dapat kong paghandaang mabuti ang aking pagtanda. Ayoko nang masaid. Ayoko nang walang wala. Hindi pa naman huli ang lahat. Wala nang patumpiktumpik. Hindi na maaari ang bukas na lang.

Mabilis ang naging andar nang aking isip. Punong puno nang saya. Ngunit bandang huli ay tila nakaramdam parin ako nang hindi maipaliwanag na lumbay. Parang may kulang. Parang may mali. Hanggang sa nagising ako mula sa aking pag mumuni muni. Aking napagtanto na ang mas mahalaga pala talaga sa buhay ay ang maging mas makatotohanan. Hindi masama ang mangarap! Ngunit dapat ito ay naaayon sa kung ano ang kalugodlugod at kaya. Para walang kalungkutan. Para walang panghihinayang. Ito ngayon ang sumpa ko sa aking sarili: Mula sa aking pagkakadapa ay babangon ako muli. Magiging mas mainam na ako. Tuluyan ko nang iwawaksi ang galit. Kakatig ako sa pagmamahal ng Diyos. Pagtutuunan ko nang panahon ang isang makatotohanang pangarap! Wala nang patumpiktumpik. Hindi na maaari ang bukas na lang.

Page 515

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s